THF Part 83

7.3K 582 223
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 3, 2020

Part 83

Ang mga araw na nag daan ay talagang makabuluhan. Ang lahat ay lumakad sa mga bagong yugto ng kanilang buhay. Nakatanggap ako ng balita kay Bam tungkol sa mga kaganapan sa kanilang siyudad. Siya ay nakalipat na isang pribadong paaralan na malayo sa Empire University at ngayon ay nasa ika apat na taon na siya. Si Darrio naman ay kasaluyan pa ring nag aaral at nasa ikalawang taon na ito.

Si Jay naman ay nag ttrabaho na sa isang kompanya bilang isang regular na empleyado. Sina Evan at Lippi ay patapos na rin at kumukuha nalang practicum. Ang F4 kasama sina Yuji at iba pa ay nakatapos na rin ng pag aaral at naka handa silang itake over ang negosyo ng kani-kanilang mga magulang.

Ang mga kaganapang ito ang senyales na lahat kami ay nag sisimula nang lumakad sa mga bagong kabanata ng aming pag lalakbay. At ang mga ito ay mag sisimula na ngayon.

Tungkol naman sa akin, dalawang linggo matapos akong makapasa sa licensure examination. Agad akong pinatawag ni Donya Briguela upang makausap ng masinsinan. Marahil ay mayroon itong kinalaman sa sinabi niya noon na maaari akong maging apprentice niya.

Umaga pala ay pinasundo na niya ako ngunit sa halip sa mansion ako dalhin ay dinala ako ng driver sa isang rest house na malapit sa paanan ng bundok. Ito pala ang nag sisilbing opisina ng Donya, nandito rin ang mga tao na nag ttrabaho para sa kanya. Ang lahat ay naka suot ng corporate attire at sila ay abalang lumalakad sa hallway, palabas at papasok ng tarangkahan na parang hinahabol ng kung ano bagamat wala naman talaga.

"Nandito na po si Mr. Blas Herera." ang wika ng gwardia sa pintuan.

"Papasukin na daw po si Mr. Blas at pataluyin sa opisina ni Donya Briguela." ang wika ng isa.

Agad nila akong pinapasok sa loob at sinamahan sa silid kung saan naroroon si Donya Briguela. Pag bukas palang ng pinto kumakabog na ang aking dibdib bagamat masaya ako na makita siyang muli.

Pag pasok ko dito ay naramdaman ko agad ang napakalamig na silid. Magarbo ang maluwang ito pero madilim naman at tanging liwanag lang ng bintana ang nakikita..

"Umupo ka Blas." boses ng donya..

Otomatikong umikot ang kanyang silya at bumakas ang ilaw ang sa buong silid..

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon