THF Part 31

8K 505 17
                                    

Nam Joo Hyuk as Biew Yamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nam Joo Hyuk as Biew Yamin

*****

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 17, 2020

Part 31

Tuloy pa rin ang maganda musika sa party. Habang tumatagal ay dumadagsa ang malalaking personalidad para bumati kay Biew na noon ay nakaupo lang sa isang gintong trono na parang isang tunay na prinsipe. Hindi siya nakakasawang pag masdan at talagang ang lahat ay humahanga sa kanyang taglay na kagwapuhan. Ang mga tao sa paligid ay may kanya kanyang eksena, katulad ni Bam na noon ay walang ginawa kundi mag pakuha ng larawan sa mga artista. Si Darrio naman ay abala sa pag kuha sa mga pag kain at dinadala ito sa kanyang table. Si Kiro ay nakatayo lang sa tabi ni Biew, wala silang pag uusap ngunit batid kong nag kaka unawaan silang dalawa. Buti nalang dahil wala sina Lippi at Evan, tahimik at mapayapa ang aking buong gabi.

"Yuji, bakit hindi mo na ako tinatawagan nitong nakakaraang buwan? Namimiss na kita." ang wika ng isang babae na lumapit kay Yuji, naka suot ng pulang gown pero halos see through na dahil labas ang kanyang magandang katawan.

"Sorry, naging busy ako." ang sagot ni Yuji.

"Busy saan? Dati isang tawag mo lang i always find time for you. Pero bakit kapag ako naman ang tumatawag sayo para wala kang care? Siguro sawa ka na sa akin?" ang malanding wika nito.

Humarap sa akin si Yuji at inilingkis ang kamay sa likod ng babae. "Syempre ay hindi. Bakit naman ako mag sasawa sa isang sexy at magandang katulad mo." ang sagot nito sa kinikilig na babae. Nag cheers pa silang dalawa at saka sabay na uminom ng alak.

Samantalang ako naman ay umalis sa kanilang harapan at nag lakad lakad sa loob ng venue hanggang sa mapadako sa bar section kung saan nakita ko nga itong si Gavin na naka upo at mag isang umiinom.

Tumabi ako sa kanya..

Napatingin siya sa akin. "O ikaw pala Blas, bakit nandito ka?" tanong niya sabay lagok ng alak.

"Masyado kasing makalabog ang musika doon." ang sagot ko. "Ikaw bakit nag iisa ka dito? Nandoon ang F4 ah."

"Ako yung tipo ng tao na hindi mahilig sa mga party. Gusto ko lang mag lasing at mag table ng babaeng maganda. Gusto mo ng drink?" tanong niya.

Tumango ako..

"Waiter, isang Special Blow Job cocktail mix with side car." ang wika niya.

"Ha? Anong inumin iyon?"

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon