THF Part 26

8.8K 523 12
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 13, 2020

Part 26

"Bitiwan mo nga ako!" ang sigaw ko.

"Umasa ka ba talaga na matatalo mo ako? Yung mga suntok ko may parang babae. Hindi ako masasaktan sa ganoon lang. Alam mo ba yung pang labing isang utos ng Diyos? Ang sabi ay "Igalang mo ang mas naka g-gwapo sa iyo lalo na kapag ito ang future boyfriend mo. Huwag kana lalaban sa akin ha, baby." ang bulong niya sa aking tainga na may pang aasar.

"Bitiwan mo na ko! Sabihin mo na kung anong kondisyon mo!" ang tugon ko.

"Simple lang. AKIN KA PA RIN. Bukas mag kita tayo, alas 9 ng umaga. Kapag hindi ka sumipot ay mapapahamak si Bam at yung kaibigan mo sa shop na si Darrio. Maliwanag ba?" tanong nito.

Aaarghhhhh! Bakit ayaw maalis sa aking isipan ang eksenang iyon?! Hindi tuloy makatulog ngayon. Hindi ko alam kung pinag lalaruan lang ba ako ni Yuji? Pinag ttripan at ginagawang katatawanan. Siguro ay sawa na siyang makipag laro sa mga babae kaya ngayon sa lalaki naman siya mag lalagay ng sumpa. Ang malas malas ko lang dahil ako pa ang napagtripan niya.

Minsan iniiisip ko kung sakaling nanahimik nalang ako noong araw na iyon, baka normal ang buhay ko ngayon, pumapasok ng matiwasay, nag ttop sa mga exam at walang sakit ng katawan na nararamdaman. Sa tatlong buwan ng nonstop na pang aasar sa akin ng kaaway ay daig ko pa ang train sa hunger games. Bagamat ngayon ay nag li-lo na rin ang sumpa sa akin ng mga card. Ang lahat ay nakadepende pa rin kay Yuji at sa kanyang invisible na sungay.

Alas 3 na ng umaga noong ako ay dalawin ng antok. Kaya naman kinabukasan pag mulat ng aking mata ay alas 8 na kaya't agad akong gumayak para tuparin ang kondisyon ni Yuji. Natatakot lang ako na baka pati si Darrio ay madamay pa sa kanyang mga kalokohan.

"Holiday ngayon, walang pasok. Saan ka pupunta? Aba Blas, hindi ka mayaman para lumibot at mag waldas ng pera. Paano kapag bayaran ng matrikula sa school niyo? Saan tayo kukuha ng pera? Kaya nga sinasabi ko sa papa mo na mag tipid tipid tayo dahil nasa bingit ng krisis ang pamilya natin!" tanong ni mama at nag simula nanaman itong mag sermon.

"Ma, may lakad lang ako. Malaki na ako. Alam ko na ang gagawin ko." sagot ko sabay kuha sa aking bag.

"Ang mga kabataan ngayon ay puro gastos, inuuna pa ang palilibot kaysa sa pag iipon. Aba, dapat ay tinuturo sa paaralan ang wastong pag iimpok at pag titipid ng pera (tumunog ang doorbell kaya lumakad si mama sa pinto habang nag sesermon) para natuto ang mga katulad niyo ng tamang diskarte sa pananalapi. At isa pa iyan ha, sinong kaibigan mo ang kasama mo? Baka natututo ka nang makipag barkada? Ikaw Blas, sinasabi ko lang sa iyo, kapag nalulong ka sa masamang bisyo ay tiyak na magagalit ang papa mo." ang patuloy na pag sasalita niya sabay bukas ng pinto. Dito ay tumambad sa kanyang harapan si Yuji Guarin na naka tayo, naka ngiti at may hawak na isang box ng cake.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon