THF Part 37

7.8K 527 46
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

"E anong gusto mo." ang tanong ko.

"Gusto ko? Bumili ako ng pasta at mga sangkap. Ipag luto mo ako. Gusto kong makatikim ng lutong pang mahirap." ang wika niya sabay kuha ng isang malaking shopping bag sa likod ng sasakyan at saka inihagis sa akin.

Eksakto 10:01 ng gabi bumukas ang kuryente sa aming bahay. Bumalik ang energy supply dito. Agad na pumasok si Yuji sa aming bahay na naupo sa kusina na parang batang hihintay ng pag kain.

Part 37

"Bakit di ka nalang nag paluto doon sa mga kusinero niyo?" tanong ko habang abala sa pag hahalo ng pasta at sauce.

"Ayoko, mas gusto kong matikman ang luto mo. Alagaan mo naman ako kahit minsan lang." ang sagot niya.

Inilapag ko ang plato ng pasta sa lamesa, maganda ang presentation nito, halos naubos ko rin ang isang box ng cheese sa toppings. Binigyan ko siya ng plato at tinidor. "Kain kana." ang wika ko habang naka ngiti.

Kumuha siya at nag lagay sa kanyang plato..

Tahimik siyang sumubo..

"Simple ang lasa pero masarap." ang wika niya at kumuha pa ng mas marami. "Magaling ka naman pala mag luto."

"Salamat. Kumain ka pa." alok ko at ipinag timpla ko siya ng orange juice.

"Bakit gutom na gutom ka? Hindi ka kumakain doon?"

"Hindi, mag hapon ako sa gym at nag sswimming, hindi ko na gawang kumain. Ikaw? Bakit hindi kita nakita buong mag hapon?"

"Maraming quiz, exam at mga lab activities. Busy rin ako buong mag hapon." tugon ko.

"Ganoon ba? Kayo lang yatang mga scholar ang nag seseryoso sa pag aaral."

"Syempre, dahil kami yung walang perang pambayad ng matrikula. May pangarap kami sa buhay at kailangan naming umunlad. Kayo kasi ay walang problema sa lahat ng bagay. Ikaw? Ni hindi kita nakikitang pumapasok sa classroom."

"Wala akong classroom, mayroon akong sariling klase at pribadong guro." ang sagot niya.

"Pero ibinagsak ka ni Mr. Nartiko at pinaalis mo siya."

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon