THF Part 7

9.1K 551 54
                                    

Ej as Evan and Awra as Lippi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ej as Evan and Awra as Lippi

**********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 3, 2020

"Saklolo! Tulong!!"

"Tang ina huwag kang maingay. Masasarapan kami at pag katapos nito ay hahanap hanapin mo kami lahat." ang wika niya sabay hawak sa aking mukha.

"Tama na iyan! Itigil niyo na iyan!" ang boses ng isang lalaki sa kanilang likuran.

"At sino ka naman!" ang tanong ni Lider at sabay harap sa kanyang likuran at dito ay nakita niya si Kiro na nakatayo sa pintuan ng banyo.

Part 7

"Boss Kiro, kayo po pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong ng pinuno ng squad na parang nakaramdam ng pag kahiya.

"Itigil niyo na iyan!" ang suway nito.

"Pero boss, ito ang bilin ni Boss Yuji. Ginagawa lang namin ang kaniyang nais." ang katwiran nito.

"Miyembro pa rin ako ng F4 at kung anong kapangyarihan ang mayroon sila ay mayroon rin ako. Umalis na kayo ngayon din!" ang may kataasang boses nito.

"Pero boss.."

"Aalis ba kayo? O lahat kayo ay padadalhan ko ng red card?" ang tanong ni Kiro

Natakot ang iba nag alisan nalang. "Umalis na tayo dito!" ang wika nila at nag tatakbo palabas sa CR. Natira ang pinuno ng squad at maya maya ay wala rin itong nagawa kundi ang iwanan ako at umalis rin.

Agad akong bumangon.

Pasa ang mukha at may dugo ang labi. Nanginginig ang aking katawan at kahit ikalma ko ito ay walang pag hupa.

Sumiksik ako sa gilid at dito ay nakita ako ni Kiro na wasak ang damit, basa ang katawan na parang isang kuting na itinapon at iniligaw sa ilalim ng malakas na ulan.

Dito ay naiyak nalang ako..

"Bakit mo ako niligtas?" tanong ko.

"Hindi kita niligtas, ayoko lang ng ganito. Ang gagawin nila sa iyo ay tiyak na mag dudulot ng trauma at ayokong mangyari iyon sa isang tao." ang sagot niya, nilapitan niya ako at saka inilagay ang suot niyang jacket sa aking likuran.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon