THF Part 45

8.5K 554 45
                                    

Cover by Carlojiji

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Carlojiji

******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 24, 2020

"Top 9, congrats Blas." ang wika ni Bam. "Tingnan mo Yuji, pang siyam si Blas!" ang hirit nito noong makita si Yuji na nag lalakad suot ang kanyang kompletong uniporme.

"Matalino ka pala talaga." ang bungad ni Yuji sabay akbay sa akin. "Congrats, proud boyfriend here."

Part 45

Lumipas ang mga araw..

Dumating ang summer..

Nag simula ang bakasyon, sa unang araw palang ay nag kalat na sa social media ang mga larawan ng mga student sa Empire University. Kanya kanya silang pasiklaban ng mga picture sa iba't ibang lugar na ipinopost nila sa social media. Kauna unahan na nga dito si Lippi na nasa Camber Sands sa London, nakahiga sa tabing dagat at naka swimsuit pa na parang isang modelo. Si Evan naman nasa Loch ness village sa Scotland, nakahiga ito sa damuhan katabi ng mga tupa. Si Erjun ay nasa Bali Indonesia, si Gavin ay nasa Korea naman kasama ang mga Kpop Idols.

"Eh nasaan si Yuji?" tanong ni Darrio habang tinitingnan namin ang larawan ng lahat.

"Ang sabi niya sa akin ay sa Barcelona siya mag babakasyon. Siguro ay umalis na siya kahapon." ang sagot ko.

"Diba boyfriend mo siya? Dapat ay nag paalam man lang siya sa iyo."

"May sarili pa rin naman siyang buhay, at isa pa ay mga mayayaman sila, kaparatan nila na mag enjoy ngayong summer."

"Buti pa sila no? Sana tayo rin may pwedeng makapunta sa ibang lugar." ang wika ni Darrio.

"Pwede naman tayong mag spend ng summer sa magaganda beaches dito sa bansa. Hindi kailangan gumastos ng malaki." ang wika ni Boss.

"Saka wala naman akong perang pang libot sa malalayong lugar. Yung kinita ko sa pag momodelo ay nauwi sa wala." ang sagot ko at dito ay nag balik sa aking isipan ang ginawang pag punit ni Yuji dito.

FLASHBACK

"Oo, dahil mukha kang pera! Desperado kaaa!" ang bulyaw nito sa aking mukha kaya naman gumalaw ang aking kamay at sinampal ko siya.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon