THF Part 107

7.7K 600 206
                                    

Photo by: Rex Zadji Crisostomo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Photo by: Rex Zadji Crisostomo

****

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 9, 2020

Pinilit akong naging matigas noong mga oras na iyon, ngunit ang bawat salitang sinabi niya sa akin ay parang balang tumatama sa aking puso. Kaya't hindi ko namalayan na umiiyak na ako habang naka yakap rin sa kanya.

Marahil nga ay tuluyan na akong naging bato, o baka naman takot nalang akong masaktan ulit kaya't ayoko nang magtiwala sa kahit na kanino. Gayon pa man ay napag tanto ko na masarap umiyak, hindi dahil sa nahuhugasan nito ang iyong mga mata kundi dahil tinatanggay nito ang kirot na namumuo sa iyong puso.

Part 107

"Mas tumaas ng 18% ang ating market at sale pag dating sa mga hotels at cruise ngayong buwan kumpara last months. I think makatutulong ang intensive marketing para maipromote ang mga bagong hotels na inayos ng Armada, ito yung mga dating pag aari ng mga Guarin.. Mr. Armada are you listening?" tanong ni Mr. Jeron.

"Oo, pasensiya na." ang wika ko habang nakatingin sa orasan.

"Mahal mo ba? Alam mo kung hindi mo na mahal iyon ay dapat wala nalang sa iyo, yung tipong wala kanang paki alam, walang sakit, walang galit, walang sama ng loob o tampo pa. Kaso ay may galit ka pa rin, you still care, at big deal pa rin sa iyo ang past na hindi mo matanggap dahil nasaktan. Alam mo ang hirap sa inyong mga kabataan ngayon, masyado kayong ma pride, kahit na ikakasaya nyo ang isang bagay ay hindi niyo gagawin ito dahil ang mas mahalaga sa inyo ay mapatunayan kung sino ang tama at kung sino ang mali. Pwede bang maging masaya nalang? Mayroon kang dalawang choice, patuloy kang magalit at hayaang lumayo siya iyo ng tuluyan o buksan mo ang puso mo, makinig ka sa mga sasabihin niya. Baka sakaling magising ka at marealizemo na ang mundo ay isang magandang bagay para mabuhay ng masaya." ang wika ni Mr. Jeron.

Napatingin ako sa kanya at dito ay agad kong kinuha ang aking jacket. Lumabas ako sa kompanya para puntahan si Yuji. Bakit ko ito ginawa? Naisip ko lang bigyan siya ng pag kakataon na mag salita at ipaliwanag ang kanyang sarili. Balot pa rin ako ng galit, pero handa akong iisang tabi ito para makinig sa kanya..

Inihatid ako ng aking driver sa isang gusali sa gitna ng siyudad malapit sa kompanya. "Bakit dito?"

"Dito na po lumipat at nangungupahan ng isang maliit na apartment si Mr. Guarin."

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon