THF Part 98

6.7K 469 20
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

"So paano si Iverson? Nag padala nanaman ng bulaklak. Ulol na ulol na saiyo yung tao." tanong ni Miss Justine.

"Itatapon kapag hindi ko na siya kailangan." sagot ko. "Pero ngayon ay gagamitin ko muna siya." dagdag ko pa sabay inom ng tsaa.

"Pero mag ingat ka ha, baka pati ikaw ay mapahamak sa ginagawa mo." ang paalala ni Miss Justine sabay inom ng alak.

"Ako pa ba? Matatapos rin ito.."

"At sana kung matapos man iyan ay kilala mo pa ang sarili mo." sagot niya.

Part 98

"Mr. Armada, nasa lobby po si Mr. Cuanzon." ang wika ng receptionist noong pumasok ito sa conference room habang nag uusap kami nila Mr. Jeron.

"Excuse, gentlemen." ang wika ko sabay tayo aking bangko para bumaba sa lobby.

Alam ko naman na pupunta si Iverson ngayon dahil apura ang text nito kahit hindi ko siya nirereplyan. Parang itong isang tagas gripo, habang pinipigil ay lalong lumalakas. Ang akala niya siguro ay mabango pa rin ang tingin ko sa kanya. Pwes, doon siya nag kakamali.

Pag baba ko sa lobby ay nakita ko si Iverson naka upo, may pasa sa kanyang pisngi, naka balanggot ito, nakasuot lang tshirt na puting V neck at maong na fitted. Agad niya kinuha ang kahon ng tsokolate sa kanyang tabi at agad niya itong ibinigay sa akin. "Kamusta kana?" bati ko sa kanya.

"Eto namimiss ka. Lunch?" tanong niya.

"Sure." ang sagot ko naman, kinuha ko ang aking gamit at lumabas kami pasakay sa kanyang sasakyan..

"Wala ka yatang dalang body guard?" tanong niya sa akin.

"Wala, hindi na kailangan. Kilala ka naman nila." ang wika ko bagamat naka link sa opisina ang tracker ng aking cellphone kaya't masusundan rin ako ng mga bantay ko maya maya lang rin. "Kamusta kayo ni Yuji Guarin?"

"Hindi kami nag papansinan." ang sagot niya.

"Paano ang F4?" tanong ko.

"Edi mabuwag, anong paki alam ko sa F4 na iyan. Hindi ko rin naman masisisi si Kiro kung bakit siya tumiwalag sa walang kwentang grupong iyan." ang sagot niya na may halong pag kainis. Pero humarap siya sa akin at ngumiti. "Hindi mahalaga ang F4, you are everything that I need." ang wika niya.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon