THF Part 88

6.2K 490 47
                                    


Kha Ra as Iverson Cuanzon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kha Ra as Iverson Cuanzon

***********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 4, 2020

Part 88

"After ng piano lesson mo, patuturuan naman kita mag biyolin. Ang mga taong apo o anak ng isang CEO ay dapat marunong tumugtog ng atleast dalawang instrumento." ang wika ni miss Justine.

Natahimik ako at naalala ko yung eksenang pilit akong pinatugtog ni Mr. Guarin ng piano para ipahiya sa mga tao. Mabuti nalang at mayroon ako kahit isang piyesang alam.

"Okay ka lang ba Hunter?"

"Oo naman, may naalala lang ako. Pwedeng mag break?" ang sagot ko sabay tayo at agad akong lumabas sa silid.

Pag baba ko sa reception area ay agad akong sinalubong ng mga housekeeper at ibinigay sa akin ang isang kumpol ng pulang rosas, malaki ito at magarbo ang pag kakaayos. "Kanino galing?" tanong ko.

"Kay Mr. Iverson Cuazon po Mr. Armada." ang wika niya.

"Nandiyan pa ba siya?" tanong ko sabay silip sa entrance at dito ay nakita ko si Iverson na nakasakay sa kotse. Kumaway ito sa akin at ngumiti saka itinuloy ang kanyang pag mamaneho.

"Kasama rin ba sa plano na ligawan ka ni Iverson Cuazon?" tanong ni Jeron.

"Hindi, ang ibig kong sabihin ay ni hindi ko nga siya kilala." ang sagot ko naman sabay lapag sa bulaklak sa sofa ng reception area.

Kinuha ito ni Miss Justine. "Ayaw mo? Akin nalang ito." ang wika nito.

Naupo ako sa kanilang tabi at napabuntong hininga. "Nanliligaw na iyan Blas. Ganyan ang galawan ng mga lalaki sa Upper Class. Kundi ka dadaanin sa kanyang pagiging istupido niya, dadaanin ka sa bulaklak." wika ni Miss Justine.

"Galawang F4." ang sagot ko naman.

"Kung sa bagay, okay lang naman na makipag laro ka kay Iverson tutal ay single ka naman. Huwag mong isipin si Yuji, Ex iyon ni Blas. Wala na si Blas diba? Si Hunter Armada na ang nandito ngayon." ang wika ni Miss Justine.

"Sa susunod na mag tungo siya dito ay papasukin niyo siya." sagot ko sabay tayo sa aking kinauupuan.

"Oy Hunter, biro lang yung Idea ko ha, masamang mag paasa ng tao. Kalimutan mo na yung sinabi ko. Teka saan ka pupunta?" pag habol ni Miss Justine.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon