THF Part 95

8K 584 215
                                    

Cover by: Jerald Eneres Momville

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by: Jerald Eneres Momville

********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 6, 2020

Part 95

REPORT: "Ang lahat ay nag wawakas." Iyan ang sabi ng ilang upper class na student ng Empire University matapos biglaang iannounce ng bagong may ari nito na bubuwagin na ang naturang paaralan upang gawing sementeryo. Ang mga student ngayon abala sa pag hahanap ng bagong campus na malilipatan.

Samantalang pinag tawanan naman ng mga netizens ang bagong tarpaulin ng Empire University kung saan nilagyan ng ekis ang salitang "university" at nilagyan ito ng salitang "cemetery" at nandoon pa rin ang mukha ni Yuji Guarin bilang endorser.

Ang bagong nag mamay ari ngayon ng Empire University ay si Hunter Armada na apo isang mayamang business woman na si Armada De Sobiel.

Hanggang saan kaya aabot ang mga pag babagong ito? Panahon na ba para buwagin ang mamahaling paaralan sa siyudad at mag focus sa tunay na kalidad na edukasyon? Ako po si Cherry Mae Lawit ang reporteen princess ng ADS CGN! Iputok mo! Sa loob! Aaahhhh!!

End of Report

"Ganong kalupit ang ginawa mo?" ang tanong ni Miss Justine.

"Oo, kung makikita mo ang itsura ni Yuji ay matatawa ka talaga. Sayang lang ay wala doon ang demonyo niyang ama." ang wika ko habang umiinom ng isang basong alak. Pero agad rin itong inagaw ni Mr.Jeron. "Bawal ang alak, bakit nag seserve kayo ng alak kay Mr. Armada?" tanong nito sa mga waiter sa paligid.

"Minsan lang naman ako uminom." ang sagot ko.

"No, kailangan ingatan mo ang katawan mo dahil diyan ka matatalo." ang sagot ni Mr. Jeron sabay lagay ng tubig sa akin harapan. "Kung nauuhaw ka ay mag tubig ka na lamang."

Napa nguso ako at kinuha ang tubig saka ito ininom..

"Sinong nag ayos ng suot mo kahapon sa campus? Di ko masyadong type. Saka yung buhok mo parang naninigas pa rin. Parang di naligo buhat noong gabi ng event." ang wika ni Miss Justine habang iniiscan ang aking mga larawan.

"Ako lang, naligo ako at ako na rin ang namili ng mga damit ko." sagot ko.

"Eh kaya panget, baduy ang itsura mo kahapon." ang wika niya.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon