THF Part 93

8.2K 624 280
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 6, 2020

Unang bumagsak ang basong hawak ni Yuji. Kitang kita ko sa kanyang mata ang pag kabigla, napanganga ito at namutla..

Si Gido Guarin ay nakatulala at nakatitig sa akin..

Lumakad ako..

Halos tuloy pa rin ang kalabog ng musika at ang pag patay sindi ng ilaw sa paligid..

Lumapit ako sa kanya at nag wika. "Kamusta Mr. Gido Guarin?" naka ngiti kong bati..

Hindi ito naka sagot..

Nabitiwan niya ang baso sa kamay at nabasag ito sa sahig..

Part 93

"Mr. Guarin, hindi yata magandang pambungad na itapon mo ang baso ng wine sa harap ko? Alam mo ba mahal ang sapatos ko? Kasing mahal ng suot mo ngayon. Relax lang, ako lang ito. Si Hunter Armada." ang naka ngiti kong sagot sabay tapik sa kanyang balikat.

Lumakad ako sa bulwagan, nakatapat sa akin ang spot light. Maya maya ay nabasag ang baso sa gilid kung saan nakatayo sina Lippi at Evan. Kahit sila ay gulat gulat noong makita ako. Ang reaksyon ni Biew at Kiro ay hindi rin matatawaran dahil pareho silang nag tataka habang pinag mamasdan ako..

Ang lahat ay nakatingin sa akin..

Hanggang sa makalapit ako sa harapan ni Yuji Guarin. Nakatulala ito at nakatingin lang sa akin. Ngumiti ako. "Happy Birthday Mr. Yuji Guarin." ang bati ko.

"B-blas?! Paanong?" tanong niya habang tumatayo sa kanyang silya.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay biglang lumakad patungo sa akin si Vann. "Blas!" ang masayang wika niya at noong malapit na siya sa akin para yakapin ako ay biglang humarang aking 10 body guard at inilayo siya. "BAWAL HAWAKAN NG ISANG ORDINRYONG TAO SI MR. HUNTER ARMADA!" ang sigaw ng isa..

Nashock si Vann at napa upo..

Maya maya ay lumapit sa akin si Iverson. "Pareng Yuji, siya si Hunter Armada yung madalas kong ikwento sa iyo. Anong masasabi mo?" pag yayabang ni Iverson sabay hawak sa akin pero inilayo siya ng aking mga body guard.

Lumapit ako kay Yuji. "Bakit ganoon? Bakit parang hindi kayo masayang makita ako? Ikaw at ang iyong ama ay pareho ng reaksyon. May problema ba?" tanong ko.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon