THF Part 23

8.6K 549 27
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 12, 2020

Part 23

"Sabi ni Bam sa akin ay muntik ka na raw makick out sa EU. Buti nalang at hindi ito nangyari no?" tanong ni Darrio habang abala kami sa pag aayos ng mga naka display na cake.

"Ang katotohanan ang laging mananaig. Si Yuji ay isang tipaklong na delusyunal. Isang baliw at may sayad sa utak. Pahirap siya sa buhay ko." ang wika ko.

"Alam mo Blas, kung minsan ang daan sa pagiging maligaya ay ang alamin mo kung bakit nagiging miserable ang buhay mo at iwasan ito. Ang ibig kong sabihin, kung sa tingin mo ay ginagawang miserable ni Yuji Guarin ang buhay mo ay maaari mo siyang iwasan. As in iwasan for good. Yung wala kang nakikita, yung tipong lalayo kana kapag palapit na siya." ang tugon ni Darrio.

"Naubos yung pahina ng positibong buhay na taktika ng mga griyego para maging masaya sila. Nai-apply ko lahat iyon laban kay Yuji Guarin pero hindi umubra. Ang susunod na babasahin ay bibliya, baka sakaling makatagpo ako ng salita ng Diyos na babago sa papanaw ko laban sa katulad niyang masamang espiritu na pagala gala sa campus." ang tugon ko dahilan para matawa si Darrio. "Sa lahat ng masamang espiritu, si Yuji Guarin ang pinaka gwapo." ang pag hanga nito.

Tinakpan ko ang aking tainga. "Ayokong marinig ang kahit na anong tungkol sa kanya. Darrio, iwasan mo ang pag puri sa kanya dahil may kamalasan siyang dala. Baka maya maya ay bumula pa ang bibig mo."

"Hindi ba ang sabi ay "the more you hate, the more you love?" tanong niya.

"Pwes hindi totoo iyon dahil sumobra na yung hate namin sa isa't at ang salitang love ay nabura na. Simulat sapul ay siya ang pahirap sa buhay ko, hanggang ngayon ay isa siyang malaking sumpa." ang sagot ko sabay tarak ng bread knife sa tinapay.

Habang nasa ganoong pag uusap kami bumukas ang pinto ng shop at dito ay pumasok sina Erjun at Gavin. "Mabuti naman at bukas pa kayo. Gusto namin ng tahimik na lugar." ang wika nila.

Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Anong order ninyo?" tanong ko.

"Isang chocolate cake at mainit na purong kape. Yung matapang." ang wika ni Gavin.

"Sa akin ay vanilla cake saka tsaa." dagdag ni Erjun.

"Ipapa handa ko lang." tugon ko sabay abot kay Darrio ng mga order nila.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon