THF Part 74

5.8K 484 52
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTeshi

April 1, 2020

Habang bumaba ang matanda suot ang kanyang margarbong gown ay nag sasalita naman si Frenny. "Donya Briguela Armada dela Merced Y. de Sobiel. A 78 years old stunner from the rare blood line of the royal family in Egypt. The one and only descendant of queen Cleopatra. Her motto is "We may encounter many defeats but we must not be defeated." Ladies and gentlemen, the timeless and the shining shimmering splendid beauty of Donya Briguela Armada dela Merced Y. de Sobiel." ang intro nito pero ako naman ay napalunok nalang dahil kamukhang kamukha siya ng yumaong artista na si Bella Flores at mukhang napakataray ng dating..

"Ahlan wa sahlan" ang bati ng donya habang bumababa..

Part 74

Pag baba ng donya ay agad itong bumati. "Justine, my darling. Long time no see. Masyado kang busy, feeling ko napapabayaan mo na ako." ang bungad niya sabay beso dito.

"Naging busy lang ako sa shoot Donya Briguela. Pero marami tayong bagong labas ng premium make up mula sa Paris. Ittry ko minsan sayo ang pinaka magandang shade." ang wika nito.

"Dapat lang no, sobrang sad ko nga dahil ilang make up artist na ang napalayas ko dahil hindi alam ang taste ko pag dating sa kagandahan. Yung mga make up nila ay hindi nag bblend sa skin color ko. Ikaw lang talaga ang pinag kakatiwalaan ko pag dating sa beauty regimen." ang sagot ng matanda na parang dalaga pa rin kung umasta.

"Baka masyadong makapal ang lagay nila. Dapat sa iyo ay natural look lang, kaunting shade lang, parang no make up make up effect. Kasi Donya Briguela you are already beautiful kaunting retouch nalang yan." ang magiliw na sagot ni Miss Justine.

"Binobola mo naman ako. Ikaw lang talaga may alam kung ano ang bagay sa akin." kinikilig niyang sagot sabay harap sa akin. "Boyfriend mo?" tanong niya at pinag masdan ako mula ulo hanggang paa. "May itsura ang batang ito."

"Ano ka ba Donya Briguela hindi ko siya boyfriend. Siya yung sinasabi ko sa iyo na ipapasok ko parang mag bigay ng medical assistant sayo. Alam kong marami kang indoor and outdoor activities, mayroon ka pang mga dance sessions. Kaya i think you need someone na titingin sa iyo. Lalo na kapag stress ka. Diba?"

"Pero hindi pa naman ako ganoon katanda para bigyan mo ng care giver hano?"

"Hindi naman care giver si Blas, isa siya nursing student at top 1 sa Superior University. Siya ang nag ligtas ng buhay ko kaya malaki ang trust ko sa kanya." ang wika ni Miss Justine.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon