THF Part 10

9K 572 21
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 4, 2020

Part 10

"Huy Virgin boy! Kamusta kana? Ayos yung ginawa mo sa party ah. Para kang si Maja Salvador sa wild flower." ang bati ni Gavin noong pumasok ako sa likod ng campus. Simula noong maging wanted ako ay dito na ako lagi dumaraan. Nakatambay siya dito kasama si Erjun at pareho silang nag iinuman sa kataasan ng araw.

Lumapit ako sa kanilang dalawa. "Diba mag kakaaway tayo? Bakit niyo ako pinapansin?" tanong at naupo ako sa kanilang tabi.

"Si Yuji lang ang kaaway mo at wala kaming paki alam sa laban ninyong dalawa. O, tumagay ka muna." ang wika ni Erjun sabay abot ng basong may alak.

Kinuha ko ito at tinungga. "Alam mo ba ikaw ang may record ng kauna unahang estudyanteng nakatanggap ng black card. Ikaw rin ang kauna unahang estudyante na naka tagal ng halos isang buwan sa sumpang dulot ng card." ang wika ni Gavin.

"At siya lang rin ang naka suntok kay Yuji at humamon dito ng maraming beses. Kaya bilib talaga kami sa tapang mo virgin boy." ang wika ni Erjun.

"Wag niyo nga ako tawagin ng ganyan. Iyon ang dapat sa lider niyong kupal! Duwag siya at nakaka inis ang itsura! Ayoko nang pag usapan dahil tiyak na masisira lang ang araw ko." ang sagot ko dahilan para matawa sila.

"Huwag kang mag papakita kay Yuji na naiinis ka dahil tiyak matutuwa iyon. Pero alam mo masaya si Yuji na mayroong nag cchallenge sa kanya. Sa talang buhay niya ay mayroong lumaban sa kanya na isang ordinaryong tao pa." ang wika ni Gavin.

Muli nila akong tinagayan. "Kaya nga sa iyo kami naka pusta. Tuloy pa rin ang laban niyo ni Yuji at sa palagay ko ay may pina-plano nanaman siya laban sa iyo."

"Pina-plano? Paano niyo naman nalaman?" tanong ko.

"Dahil mag damag siyang gising kagabi, hindi siya natulog kakaisip kung paano ka papahirapan. Kaya galingan mo dahil naka pusta kami sa iyo. Aware kaba na kami sa Upper Class ay nag pupustahan na kung sino ang tutumba sa inyong dalawa at kung sino ang mananalo. Halos 60% ng boto at pusta ay ikaw ang mananalo kabilang na kami doon kaya galingan mo." ang wika ni Gavin

"Bakit pinag pustahan nyo kami? Kayo talagang mayayaman walang ibang ginawa kundi mag lustay ng pera." sagot ko.

"Kaya galingan mo para hindi masayang ang pusta namin sa iyo. O, tagay ka pa." ang wika ni Erjun

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon