THF Part 100

7.9K 575 147
                                    

Cover by dilitavejdrientz

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by dilitavejdrientz

********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

Humarap ako sa kanya at sumagot. "OO! AKO SI BLAS! AT GAGANTI AKO SA LAHAT NG PANINIRA NIYO SA BUHAY KO. AT ANG DUWAG NA KATULAD MO AY WALANG MAGAGAWA PARA PIGILAN AKO!" ang sagot ko sabay piglas at mabilis akong lumakad palayo sa kanya.

Part 100

Noong gabing iyon ay hindi ako halos dinalaw ng antok. Nakatingin lang ako sa kisame habang inaalala ang mukha ni Yuji noong malaman niya ang katotohanan na si Blas at Hunter ay iisa. Ang susunod na hakbang ay hindi ko na alam, gayon pa man ang galit sa aking dibdib ay hindi pa rin nawawala.

"Hunter, naka handa ang hapunan. Okay ka lang ba?" tanong ni Miss Justine habang nakatayo sa pintuan.

"Oo, okay lang ako, busog ako." ang sagot ko naman

"Kung sakaling magutom ka ay mag paluto ka nalang o umorder ha. O kaya ay katukin mo." ang wika niya.

Samantalang ako naman ay nanatili lang na nakatalungko sa sulok ng aking silid..

KINABUKASAN..

Ngayon araw gaganapin ang pag pupulong sa pagitan ng Armada de Sobiel at Guarin ukol sa pag babayad namin ng kanilang pag kakautang, umaasa sila maaaring tulungan ko ang kanilang paluging negosyo o maaari ko rin itong buwagin. Maaaring isalba o sirain. "Hindi ka kumain kagabi. Kahit anong mangyari mamaya sana ay huwag mong balutin ng matinding poot ang sarili mo. Baka makalimutan mo na kung sino ka talaga." ang wika ni Miss Justine sabay suot ng suit sa aking katawan, inayos pa niya ang aking kurbata at saka ang aking buhok.

"Salamat sa lahat Miss Justine. Utang ko sa iyo ito."

"No darling, ang lahat ng ito ay meant to be. Ang lahat ng ito ay deserve dahil matalino at mabuti kang tao, huwag mong kakalimutan iyon." naka ngiti niyang sagot. Inayos pa niya ang aking balikat at saka pinagpag ito. "You are ready." ang wika niya.

"Handa kana ba Mr. Armada?" tanong ni Mr. Jeron.

"Oo. Naka handa na ba ang lahat?" tanong ko naman.

"Oo naman. Kailan ba tayo sumablay?" tanong niya habang naka ngiti.

Ngumiti rin ako..

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay napaharap ako sa salamin at napatigtig sa aking anyo. Malaki na nga ang pinag bago ko mag buhat noon, hindi ko na tuloy alam ngayon kung ano ang mangyayari sa akin matapos ang lahat ng ito. Pilit kong hinahanap ang dating si Blas pero hindi ko na siya matagpuan pa. Pakiwari ko ay unti untin na siyang lumubog sa kadiliman kung saan hindi ko na siya makikita pang muli..

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon