THF Part 63

6.1K 416 27
                                    

Cover by: glaysamaemagallanes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by: glaysamaemagallanes

******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 29, 2020

Part 63

"Blas, kamusta ka na? Sabi ni Darrio ay masama raw yung pakiramdam mo kaya hindi ka nakapasok sa shop. Nilalagyan ka pa ba? Eto pinag dalhan kita ng gamot. Sabi ni papa mainam na pang gamot daw sa rayuma itong ugat ng makahiya." ang wika ni Bam habang nag lalakad kami sa hallway.

Natawa ako. "Salamat Bam, pero may trangkaso ako, wala akong rayuma, saan mo ba nakuha iyan?" tanong ko.

"Sabi ng boss niyo sa cake shop." ang wika ni Bam.

"Pero salamat pa rin dito ha. Kay papa nalang ito. Masakit daw ang tuhod niya kahapon." ang tugon ko sabay kuha sa bote at isinilid ito sa aking bag.

"Nga pala Blas, totoo ba yung balita na ipapakasal si Yuji sa isang prinsipe?" tanong niya.

Tumango ako. "Oo."

"Paano kayo?" tanong niya.

"Kumakapit pa rin ako sa mga bagay na nag papasaya sa akin. Ganoon rin siya, alam kong ayaw ni Yuji ang desisyon ng kanyang ama kaya't pareho kaming lumalaban. Kahit alam kong matatalo rin kami sa huli." sagot ko.

"Kung mahal niyo ni Yuji ang isa't isa ay huwag kayong sumuko. Palaban ka diba? Maging matatag ka. Kung kayo sa dulo, ay kayo pa rin." ang tugon ni Bam.

"Pero minsan kahit gaano nyo pa kamahal ang isa't isa, kung di talaga kayo gagawa at gagawa ng dahilan ang panahon para hindi kayo magkatuluyan." ang sagot ko naman.

"Hay, wag ka ngang maging nega Blas, hindi ganyan ang Blas na nakilala ko." ang wika ni Bam sabay tapik sa aking balikat habang patuloy kami sa pag lalakad.

Umupo kaming dalawa sa pahingahan at inabutan niya ako ng inumin at tinapay. "Alam mo Blas, kahit sabihin mong masaya ng paulit ulit ay nararamdaman ko pa rin ang lungkot sa iyong mata. Pero gusto ko lang malaman mo na dapat maging matapang ka sa lahat ng oras.

May tatlong daga sa bukid, nag papayabangan silang dalawa. Ang sabi ng Dagang puti "Ako matapang, kumain ako racumin at ng lason sa daga."

Sumagot naman ang Dagang itim, "mas matapang ako, kumain ako ng cheese na nasa mouse trap."

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon