THF Part 72

5.9K 462 38
                                    

Cover by Junoel LyCaster

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Junoel LyCaster

*****

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

"Mr. Blas Herera, congratulations, approve na ang 100% scholarship mo. Please pumunta ka dito para irefund ang iyong downpayment. Wala kang bayad sa tuition fee. BUT you have to maintain the average grade of 1.71 or 92% GPA."

Noong binasa ko ito ay labis akong napaluha. Tila ba bumukas ang bagong pag asa sa aking buhay. Tama nga sila, dahil kapag nag sara ang Diyos ng pinto at mag bubukas naman siya ng bintana.

Labis ang aking pasasalamat at ipinangko ko sa aking sarili na mag tatapos ako at magiging isang matagumpay sa larangan na aking napili.

Part 72

Sa bawat araw na dumaraan ay hindi ko inaalis sa aking isipan ang mga bagay na naka sakit sa akin noon. Hindi ko na rin namamalayan na halos mahigit isang buwan na pala mag buhat noong umalis kami sa siyudad. Wala na rin ako balita sa lahat, kahit kay Yuji o sa F4 pa. Ang aming buhay ay tumahimik at ginagawa naming makakaya para paunlarin ito.

Nag pagawa kami ng isang maliit na tindahan para kay mama. Malayo kasi ang bilihan sa aming compound kaya lumalakad pa ang mga tao para mag hanap ng bukas na tindahan. Si papa naman ay tinuruan ng kanyang mga pinsan ng pag rerepair sasakyan sa talyer para mayroon siyang kita habang ang kanyang bukirin ay maganda ang tubo. Tiyak raw na marami itong aanihin sa susunod na mga buwan.

Ako naman ay naka adjust na sa aking bagong buhay sa campus. Bagong mga kaibigan, bagong kakilala at bagong mga guro ang aking nakakasalamuha sa araw araw. Walang gulo, payapa ang lahat at ginagawa ko naman ang best ko para mai-maintain ang magandang grado. Naitop ko ang Prelim at Midterm kung tutuusin ay mas baba ang quota dito 100% pa ang scholarship, kumpara sa Empire University na mas mataas sa 92% ang gradong kailangan at 75% lang ang ibibigay sa iyo, kung minsan ay mabubully ka at aapihin. Sa makatuwid ay mas maginhawa ako dito, mas payapa ang aking isipan at mas nakakapag aral ako ng mabuti.

Marami rin akong natatanggap na love letters, at mga sulat na inaadmire nila ako, minsan ay nakasuksok ito sa aking locker, kung minsan naman ay nakalapag sa akin table. Natatawa nalang ako at kung minsan ay natatahimik dahil iisang tao lang ang minahal ko ng buong puso. At iyon ay si Yuji, bago siya ikasal sa iba.

Prof: Turn the drowning person's head to the side, allowing any water to drain from his or her mouth and nose. Turn the head back to the center.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon