THF Part 51

7.2K 424 26
                                    

Cover by Ellise Yu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Ellise Yu

********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 25, 2020

Part 51

"My dear Blas, huwag kang lumalakad ng naka yuko. Alam mo na, dapat proud ka na ng boyfriend mo ay Yuji Guarin. Alam mo tama lang talaga na tayong tatlo ang super friends! We can relate to each other kasi diba?" ang maarteng wika ni Lippi habang nasa canteen kami at may hawak na tray ng pag kain.

"Alam mo Blas, ganito talaga kami dito sa canteen ng upper class, kaunti lang ang food pero sobrang mahal. Kumuha ka ng kumuha ng gusto mo, my treat." ang wika ni Evan.

"Ano ka ba Blas, huwag kang mahiya. Feel at home lang dito sa canteen ng upper upper class. OMG, ayun si Yuji at si Kiro kumakain silang dalawa ng sabay." ang kinikilig na wika ni Lippi.

Lumakad kami patungo sa katabing table nila Yuji pero tapos na silang kumain. "Hi Yuji, hi Kiro" ang bati ng dalawa.

Tumayo si Yuji at lumapit sa amin. Humarap ito sa akin. "Tutugtog yung banda ng F4 mamaya doon sa ground. Manood ka para makita mong hindi lang ako basta gwapo lang. Papasok na ko." ang salita nito na parang galit na di mo malaman. Umalis ito sa aming harapan na punong puno ng yabang.

"Ayiie ang sweet." ang kinikilig na wika ni Lippi at Evan.

"Sinusubukan ni Yuji na maging sweet pero hindi talaga niya kaya. Founding Anniversay ng Empire University ngayon, tutugtog ang F4 mamaya doon sa ground. Sana ay makapanood kayo." ang wika ni Kiro.

"Oo Kiro, manonood kami. Ikaw pa ba? Mas lalo ka yatang naging gwapo at naging yummy ngayon. Nakaka inis ka, ang ggwapo ang post mo sa IG!" ang maarteng wika ni Evan.

"Salamat. Maganda ang klima doon sa New York, baka naging hiyang lang ito sa akin." sagot niya. Tumingin pa ito sa akin at saka ngumiti. "Manood ka mamaya Blas, mag damag nag ensayo si Yuji." ang dagdag niya saka lumakad palabas sa canteen.

"Gosh, sobrang swerte mo Blas, you are such a very very lucky girl. La la la, la la, la la." ang hirit ni Lippi.

"Kumakanta ba si Yuji?" tanong ko.

"Ano ka ba? Maganda ang boses ni Yuji, lahat ng miyembro ng F4 ay mga talented. Humble lang talaga sila at hindi nag yayabang." ang sagot ni Evan.

"Alam mo, every founding anniversary ng Empire ay lumalabas ang mga students sa gabi for celebration. Mamaya lets go sa bar kasama ng mga kaklase natin!" ang excited na wika ni Lippi.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon