THF Part 53

6.1K 444 32
                                    

Cover by Eurie Corbeto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Eurie Corbeto

************

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 25, 2020

Maya maya ay hinablot ako ng dalawang lalaki at dinala ako sa hallway kung saan nakita kong nakatayo sina Evan at Lippi..

"Miss Evan, Miss Lippi. Eto na si Blas." ang wika ng mga lalaki.

"Bitiwan niyo nga ako!" ang pag pupumiglas ko.

"Ano ba ito?" tanong ko.

"Ikaw Blas ay nag kasala! Ikaw ay nag taksil sa Leader ng F4 na si Yuji Guarin!" ang wika ni Lippi sabay habang naka ngiting aso sa aking harapan.

Part 53

"Anong bang sinasabi niyong nag taksil?" tanong ko.

"Amnesia amnesiahan Blas? Sumama ka sa ibang lalaki kagabi. At negro pa ang simahan mo?! Hindi kana nakontento kay Yuji!" ang sagot ni Lippi.

"Bakit ginaganyan niyo si Blas, akala ko ba mag kakaibigan tayo? Diba bestfriend niyo si Blas?" tanong ni Bam

"Best friend? Nag papatawa ka ba? Hindi kami makikipag kaibigan sa isang panget at mahirap na nilalang no. Eme eme lang namin lahat ng yon. Acting lang!" ang sagot ni Evan.

"Kung ganoon ay sinet up niyo si Blas! Planado niyo ang lahat ng ito!" ang sigaw ni Bam

"Well, thats truewww!" ang malanding sagot ni Evan.

"Hawak namin ang ebidensiya ng pag tataksil mo!" ang sigaw ni Lippi sabay pakita sa larawan namin ng negro kagabi na tumulong sa akin. At talagang naka shot pa na papasok kami sa motel.

"Whaaaaat? E talaga naman palang alter yang si Blas, ang kapal kapal ng face mo para lokohin si Yuji Guarin? Ang dapat sa iyo ay ipako sa krus at ibilad doon sa plaza!" ang sigaw ng beki sa likuran.

"Ipako si Blas at sunugin!" sigaw ng isa

"Sunugin!" ang pag kakaisa nila na lumikha ng kaguluhan.

"Sunugin iyan!! Aswang na iyan!!" sigaw nila

"Aswang agad?" tanong ni Bam habang tinutulak ang lumalapit sa amin.

"Ano bang gulo to?" sigaw ni Yuji noong dumating siya kasama ang member ng F4. Dito agad niya akong nakitang naka luhod sa hallway at basang basa. Madungis ang mukha at may basura pa sa ulo. Mabilis siyang lumakad sa gitna ng mga estudyante at saka lumapit sa akin. "Sino nag sabi sa inyo na pwede niyong gawin ito?" tanong niya.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon