THF Part 16

8.9K 530 35
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 9, 2020

Part 16

Reporter: Samantala, balitang Showbiz naman tayo. Sikat na international model at young entreprenuer na si Biew Yamin balik sa Pinas para sa ilang projects. Halos hindi mahulugang karayom ang airport noong dumating si Biew sakay ng isang private plane na pag aari ng F4. Ngayon ay mananatili siya sa mga ilang linggo dito sa bansa bago tumulak sa New York para sa ilang hollywood projects. Si Biew Yamin ang rumored partner ni Kiro na isang modelo rin at miyembro ng elite class na F4.

Samantala, BXB writer na si Ai Tenshi, binatikos ng mga miyembro ng isang religious group matapos niyang ibahin ang mga nakasulat ng bibliya katulad ng Last Supper, Garden Of Eden at pati ang Misa na isinasagawa ng mga pari kanya ring binigyan ng panibagong bersyon ukol sa siyentipikong paniniwala. Samantalang to the rescue naman ang mga little angels para siya ay ipag tanggol laban sa iba't ibang paratang.

At iyan ang mga balitang nakalap ng aming team sa mga oras na ito. Sa ngalan ng aking ina na si Liza Mae Lawit, ako po si Cherry Mae Lawit at ito ang ADS CGN! iputok mo!!

End of Report.

"Sobrang gwapo naman ni Biew. Kung sa bagay ay rumored partner siya ni Kiro noon pa man diba?" ang wika ni Darrio habang abala sa pag aayos sa akin mukha at buhok.

"Bagay silang dalawa. Perfect match." ang sagot ko.

"Siyempre naman, pareho silang modelo at parehong mayaman. Perfect match sa lahat ng bagay." ang sagot niya. "Tinggin ka sa taas. Dapat mag mukha kang artista doon sa party niyo."

"Simpleng party lamang iyon, ang party na taon taong inoorganize ng mga middle at low class sa campus. Yung mga nakakuha ng scholarship at matataas na marka kaya hindi sila napapa alis sa campus. Ang mga katulad namin ay may sarili gala party na kung tagawin ay Middle society. Ibig sabihin ay walang upper class dito at ang lahat katulad kong umaasa lang sa talino. Ang party ng Upper Class ay mahal ang tickert nasa 40 to 50k, samantalang dito sa party ng middle class ay 400 pesos lang ang entrance." sagot ko.

"Ang party ay party kaya dapat ay mga saya at mag enjoy ka." wika ni Darrio sabay ayos sa aking damit. Maya maya ay iniharap niya ako sa salamin. "Maaaring mahirap ka nga pero gwapo ka pa rin. Maniwala ka sa akin." ang wika nito dahilan para matawa ako.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon