THF Part 2

12.4K 685 67
                                    


Black Card by Accel Villalobos

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Black Card by Accel Villalobos

*****

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

Feb 29, 2020

Part 2

"Winter melon milktea and vanilla cake, thank you sir!" ang naka ngiti kong wika habang iniaabot ang order ng isang customer. Tuwing uuwi ako galing sa paaralan ay tumutuloy ako dito sa aking part time job bilang serbidor sa isang milktea shop. Pandagdag ko ito sa aking baon sa araw araw para hindi na ako nanghihingi kila mama lalo't ang sweldo ni papa ay kulang pa para pang bayad sa tubig at kuryente.

"Kwentuhan mo pa ako tungkol sa F4, ano gwapo ba sila? Mga daks ba? Pang twitter ba?" tanong ni Darrio. Siya ang bestfriend at kasamahang nag tatrabaho dito sa shop, iyon nga lang ay full time siya. Hindi nakapag enrol siya nakapag enrol ngayong taon dahil nag iipon pa siya para makapasok sa isang University sa susunod sa semester.

"Ang mga F4, hindi sila magandang halimbawa sa mga mag aaral. Nagagawa nila ang lahat ng gusto nila dahil sa mayayaman sila. Lalo na yung leader nila na si Yuji Guarin, isang mag aaral na tinubuan ng sungay sa ulo, may pakpak at may buntot!" ang sagot ko.

Natawa siya. "Pero tiyak na maraming babaeng natuturn on sa ganoong ugali. Ang astig kaya niya, tiyak na maraming humahanga sa kanya doon sa campus."

"Maraming humahanga at marami ring naiinis. Kapag ipinipikit ko ang aking mga mata ay nakikita ko pa kung paano niya tinadyakan sa mukha yung matandang guro. Walang awa at wala siyang konsensiya. Ayoko na siyang pag usapan dahil tiyak na masisira lang ang gabi ko."

"Kapag lumibot ako sa Empire University, ang F4 agad ang unang hahanapin ko."

"Wag mo na tangkain, baka pati ikaw ay saktan nila. Mga bayolente sila at mga halimaw na naka wala sa banga." sagot ko naman dahilan para matawa siya.

KINABUKASAN..

Pag pasok ko pa lamang sa tarangkahan ng Campus ay bumulaga na agad sa akin ang isang mag aaral na tumatakbo, puro pasa ang mukha, basa ang katawan na parang binuhusan pa ng ihi. "Tabi kayo! Hulihin siya!!!" ang sigaw ng mga lalaking humahabol dito.

"Ano naman iyon? Paniguradong F4 nanaman ang may kagagawan niyan." ang bulong ko kay Jay.

"Tama ka doon, yung lalaking hinahabol nila ay kaklase ni Yuji. Ayon sa kanilang block ay hindi sinasadyang nadumihan nito ang polo ni Yuji kahapon dahil sa pag ubo nito sa kanyang harapan. Medyo nag kainitan sila at naka tanggap ng red card ang salarin. Nag desisyon na itong umalis sa campus ngayong araw pero hinahabol pa rin siya at pinag ttripan." paliwanag ni Jay.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon