THF Part 18

8.5K 539 63
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 10, 2020

"Gagawin ko ang gusto ko! Huwag kang maki alam!" ang sigaw ni Yuji sabay hila sa akin at mas lalo pang humigpit ang hawak niya sa aking braso.

"Itigil mo na ito! May sakit si Blas. Hindi mo ba nakikita sa kanyang mata?" tanong ni Kiro dahilan para matawa si Yuji. "So kayo ang may eye connection? Huwaw! Sige Kiro, huwag na tayo mag paliguy-ligoy pa. Alam ko naman na kaya nakaka survive itong si Blas ay dahil tinutulungan mo siya. Akala mo ba ay hindi nag report sa akin ang mga participants at mga miyembro ng squad! Ikaw ang tinutukoy nilang paki alamero! Pinag tataksilan mo ako at tinatraydor! Bakit ba pinag tatanggol mo siya? May gusto ka ba sa kanya?!" ang galit na paninita ni Yuji sabay tulak sa akin dahilan para masalampak ako sa lupa.

Lumapit siya sa harap ni Kiro at nag face to face silang dalawa. "Sumagot ka. May gusto ka ba sa kanya kaya simula't sapul ay tinutulungan mo siya?!" ang tanong nito.

"Tinulungan ko si Blas dahil alam kong mabuting tao siya at kahit kailan ay hindi siya naging kaaway sa akin. Kung hindi ka napapagod sa ginagawa mong pag papahirap sa kanya, ako ay pagod na pagod na." ang wika nito.

" A, ganon ba Kiro. Dapat pala ay mapagod na rin ako sa iyo dahil traydor ka. Noon pa ako nag pipigil kahit nababalitaan ko ang ginagawa mo. Tapos ngayon ay harapan mo akong kakalabanin? Tapos na tayong dalawa." ang wika ni Yuji sabay lakad palayo sa kanya.

Part 18

Tatlong araw ang lumipas, bumaba ang aking lagnat at unti unting naging maayos ang aking pakiramdam, bagamat hindi pa rin ako maka kain ng maayos at masakit pa rin ang aking buong katawan. Ang aking mga binti ay manghihina at nanakit ang aking mga muscles. Gayon pa man ay nag bigay ng mensahe ang aking mga guro at sinabing mag pagaling ako dahil makaka kuha pa rin ako ng mga special examination ayon na rin sa pakiusap ng doktor at ni Biew sa head ng department. "Anak pinag luto kita ng masarap na aroz caldo. Para bumalik ang lakas mo at para mag karoon ka ng kulay. Ang putla putla mo. Ikaw ang king of the night kaya dapat palagi kang presentable sa mata ng mga tao." ang wika ni mama.

"Ma, yung king of the night ay isang award lang sa contest. Wala itong kinalaman sa buhay ko." ang sagot ko habang naka kulubong.

"Kahit na, malaking factor na yon para may mag kagusto sa iyo na mayamang taga Empire University. Kaunti nalang anak at ikaw ay magiging isang maganda swan na!"

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon