THF Part 57

6.5K 467 83
                                    

Cover by Lyca Mae Mendoza

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Lyca Mae Mendoza

*******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 26, 2020

Part 57

Nag tapos ang digmaan sa pagitan namin ng mga participants. Sa mga nag daang araw ay naging tahimik ang lahat. Bumalik sa normal ang aming buhay, walang nang aaway, wala ring nang gugulo sa amin. Naging ordinaryo lang lahat, kabilang na ang samahan namin ni Yuji. Nag simula akong iwasan siya, dahil napag tanto ko na hindi maganda ang dulot sa aming relasyon sa aking pag katao. Sa tingin ko ay mas makabubuti kung iiwas ako sa kanya o tuluyang papatayin ang aking nararamdaman. May pag kakataon na kapag nakikita ko siya sa hallway ay umaalis ako, nag tatago o kaya ay umiiba ng direksyon. Basta dumaraan ang isang araw na hindi niya ako nasisilayan sa buong mag hapon.

Tungkol sa kanila ni Kiro, hindi sila nag uusap. Lagi ring mag kahiwalay ang kanilang grupo. Mag kasama sina Erjun at Kiro, si Gavin at Yuji ang madalas kong nakikita. Maraming nang hihinayang sa kanilang samahan kahit ako ay ganoon rin ang nararamdaman sa tuwing nakikita ko silang mag kakahiwalay.

May pag kakataon rin nag uusap kami ni Kiro, ngunit nitong mga nag daang araw umiwas na rin ako ng kaunti. Seloso si Yuji, batid kong selos ang dahilan kung bakit siya nag ngingitngit. Kung babawasan ko ang pakikipag kita at pag pasin kay Kiro ay baka mag kasundo na ulit sila ay mag kaayos.

"Blas, pupunta ka ba sa seminar?" tanong ni Bam kasama niya si Jay.

"Seminar? Tungkol saan?" tanong ko.

"Self defense month ngayon, ang mga students ay tuturuan kung paano ipag tanggol ang kanyang sarili."

"Hindi ko na kailangan niyan. Ilang beses ko nang naipag tatanggol ang sarili ko laban sa mga participants." sagot ko dahilan para matawa si Jay. "Dapat nga si Blas na ang kinuha nilang guest, baka mas mahusay pa siya sa speaker." hirit ni Jay.

Tawanan kami..

Pero gayon pa man ay mahalaga ang attendance at participation sa naturang seminar kaya nag punta rin kami doon sa gym. Pag dating namin dito ay madaming tao, at nasa gitna ang speaker, siya ang sikat na action star na si Coco Martin at nag dedemo kung paano iccounter ang atake ng mapanganib na kalaban. Hinawakan nito ang braso ng stuntman na kanyang kasama at saka ginamit ang kanyang siko upang ialis ang kutsilyo sa kamay nito.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon