THF Part 77

5.7K 492 52
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 2, 2020

Part 77

Sa pag bubukas ng bagong taon sa kolehiyo, pansamantala akong nag paalam kina Donya Briguela at sa iba pa. Pero nangako naman ako na babalik at dadalaw kapag mayroon akong oras. Hired pa rin ako at hindi naman ako mawawala sa kanila. Iyon nga lang ay katakot takot na sermon ang inabot sa matanda bago ako umalis. Pero sa halip na mainis ako ay niyakap ko siya at nag pasalamat ako sa lahat ng kanyang tulong. Isang irap lang ang isinagot niya at saka pinahatid pauwi dito sa aming bayan.

Ang set up ng aking buhay, pumapasok ako sa paaralan sa ikatlong taon sa aking kurso, kapag may mga bakanteng araw o mga matatagal na holidays ay umuuwi ako kila Donya Briguela para bisitahin ang kanyang kalusugan. Iyon nga lang ay naging abala siya nitong mga nakakaraang buwan sa kanyang mga business trip at meeting sa iba't ibang bansa.

Magaan ang aking buhay sa campus. Bilang isa sa pinaka matalinong mag aaral ay maraming humahanga sa akin, marami ring nanliligaw pero takot na akong pumasok sa isang relasyon kaya't sa tingin ko ay sapat na sa akin na minsan akong nasaktan at nasawi. O sabihin na nating minsan na akong pinatay ng pag ibig na akala ko'y bubuhay sa akin.

Halos mag dadalawang taon na rin akong wala sa malayong siyudad. Wala akong pinag bigyan ng aking adres at impormasyon maliban kay Bam. Alam rin niya ang aking numero kaya nakakapag txt kami o nakakatawag siya sa akin paminsan minsan. Siya ang tangin kaibigan ko na pinag katiwalaan ko at masaya ako dahil itinago niya ako at hindi binigo.

Makalipas ang ilang buwan ay nag karoon ng pag kakataon si Bam na dumalaw sa akin. Ang pag alis niya sa siyudad ay maituturing daw niyang "isang sikretong misyon" ng kanyang buhay. Syempre ay masaya akong makita siyang muli at makibalita sa mga bagay na naiwan ko noon. Kaya naman sa terminal palang ay sinundo ko na siya.

(Author's Note: Wala naman akong paki para isalaysay ang buong taon ng pag aaral ni Blas no. Mabilisang salaysay ng mga importanteng detalye ang balak ko sa part na ito. Sadyang hindi nalang mahalagang isalarawan ko pa ng detalye yung buhay ni Blas sa school dahil paulit ulit lang naman yon. Pa 100 nanaman tayo, kaya nag aapura na ako.)

"Bam!" ang pag tawag ko sa kanya noong makababa ito ng bus. Gumuhit ang kakaibang saya noong makita ko siyang nag lalakad patungo sa akin.

"Blas!! Kamusta kana? Masaya akong makita ka ulit." ang masayang sagot niya sabay yakap sa akin. "Para sa iyo, pasalubong galing kay papa."

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon