THF Part 52

6.6K 429 36
                                    

Cover by Ellise Yu

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Ellise Yu

**********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 25, 2020

Part 52

Pag mulat ng aking mata ay ibayong sakit sa likuran ang aking naramdaman. Para bang nabugbog ang aking bewang at puwetan. Ibayong sakit rin ng ulo ang aking naramdaman na para bang pinipiga ang aking bungo dahil sa matinding hang over. Agad akong bumangon at dito ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang motel. Nakahubad ako at tanging brief lang ang natirang saplot sa aking katawan. "Teka, A-ano bag nangyari? Relax ka lang Blas, isiping mong mabuti.." ang wika ko sa aking sarili.

Gulong gulo ang aking isipan, hindi ko alam kung saan mag sisimula..

Tahimik..

Huminga ako ng malalim at binalikan ang eksena kagabi kung saan ang tungo kami nina Evan, Lippi, Bam at aming mga kaklase sa isang Bar para uminom at mag celebrate ayon na rin sa tradisyon ng founding anniversary.

FLASHBACK

"Dapat ay mga enjoy tayong gabi! 3 days walang klase dahil sa founding anniversary! Kahit mag pakalasing tayo tonight ay okay lang! Thank you for this wonderful drink! Hik!" ang wika ni Lippi habang tumutungga ng alak.

"Blas, my dear bakit di ka umiinom? Ano ka ba naman darling. Im sure nag papakalasing doon si Yuji Guarin kasama ng F4. Huwag kang worry sa boyfriend mo. Gabi natin ito kaya drink lang ng drink! Cheers!!!" ang wika ni Evan habang sumasayaw.

"Medyo nagiging boring na ang gabi. Bakit di tayo mag karoon ng truth or dare na laro? Papaikutin natin ang bote at kung kanino matapat ang bibig nito ay siya ang iinom ng alak at gagawa ng challenges! Exciting diba?" tanong ni Lippi.

"Tama maganda iyan! Game ako! Kayo game ba kayo?" tanong ni Bam sa mga kasama namin.

Walang sumagot sa kabilang table..

"Mukhang may kanya kanya silang mundo doon sa kabilang table. Lagi namang ganyan yung mga classmate natin ang boboring kasama. So tayo nalang apat ang mag laro tutal naman we are best of friends!" ang wika ni Lippi sabay paikot bote.

Sa unang round tumapat ito kay Bam. "Aw, bakit sa akin?" tanong ni Bam sabay inom ng alak. "Bam, halikan mo si Rose ngayon din. Sa cheeks lang naman!" ang utos ni Lippi.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon