THF Part 55

6.2K 442 23
                                    

Cover by Kentot Simmons

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Kentot Simmons

******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 26, 2020

Part 55

"Tumatawag si Yuji." ang wika ni Kiro noong makitang nag riring ang kanyang cellphone.

Napabuntong hininga ito bago sagutin. "Hello."

"Traydor ka Kiro. Hindi ko akalaing gagawin mo ito sa akin ng dalawang beses." ang bungad ni Yuji.

"Walang ginagawang masama si Blas. Hindi ka dapat naniniwala sa mga nakikita mo lang."

"May larawan, may ebidensiya. Anong gusto mo? Mag tanga tangahan ako?" sagot ni Yuji

"Kung mahal mo si Blas, hindi mo ilalagay sa alanganin ang buhay niya. Sasamahan ko siya at tutulungan kong linisin ang pangalan niya." ang sagot ni Kiro sabay patay sa kanyang cellphone.

"Mukhang wanted nanaman tayong tatlo." ang wika ni Bam.

"Malamag sa OO." ang sagot ni Kiro sabay hubad sa kanyang suot na long sleeves at ipinatong sa aking likuran.

"Doon sa paanan ng bundok yung rest house namin. Maliit lang iyon pero payapa at mayroong isang maliit na swimming pool sa harap. Mayroon rin kaming bontanical garden at fish pond." ang wika ni Bam sabay liko sa kanyang sasakyan papasok sa kanto.

"Kailangan mag pahinga ni Blas. Mayroon ba kayong first aid kit doon?" tanong ni Kiro.

"Mayroon. Mayroon rin ako mga extrang damit doon. Pwede kayong mamili." ang tugon ni Bam.

Makalipas ang 10 minuto narating namin ang rest house nila Bam, isa itong malaking mansion sa paanan ng bundok, maraming puno, maganda rin ang pag kaka landscape. Alaga ang mga halaman at napaka linis. "Bam, buti nadalaw ka. Ayos lang ba yang mga kasama mo? Basang basa sila." ang wika ng care taker.

"Ayos lang po kuya Mar, mga kaklase ko sila. Nag karoon kasi ang activity sa school kanina kaya ganito ang itsura namin. Maaari ba kaming dumito muna?" tanong ni Bam

"Oo naman, sa inyo ang rest house na ito, hindi mo na kailangan mag paalam. Sandali't mag papahanda ako ng pag kain para sa inyo." ang wika ng matanda.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon