THF Part 112

6.7K 436 28
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

April 11, 2020

Part 112

"Happy Birthday Blas." ang wika ni Kiro sabay abot ng isang kahon sa akin. Niyakap rin ako Biew at saka inabutan ng maliit na kahon. "Hangad ko ang kaligayahan mo." ang wika niya.

"Salamat sa inyo." ang tugon ko habang naka ngiti.

"Happy Birthday Blas, o pano peace na ha, hindi kana galit sa amin niyan." biro nina Erjun at Gavin sabay abot dalawang mamahaling wine sa akin.

"Blas, sa isang linggo na ang balik namin ni Kiro sa New York. Kailangan ay tuparin mo ang pinangako mo sa akin. Hindi ako lalakad kapag wala ka doon." ang naka ngiting wika ni Biew.

"Darating ako agad. Huwag kang mag alala." ang sagot ko naman.

"Laki talaga ng pinag bago mo Blas. Grabe, para kang isang malakas na uri ng Pokemon na nag evolve sa mataas na antas." ang natatawang wika ni Erjun.

Tawanan sila..

Nandito silang tatlo, pero kapansin pansin na si Yuji ay nakabukod. Batid may tensyon pa rin sa F4 simula noong mabago ang lahat sa pagitan namin. Alam ko naman na pati sila ay nadamay sa aking pag hihiganti. Nag kasama sama kaming lahat pero ramdam kong hindi ganoon kasaya ang gabi na makita silang ganito.

Makalipas ang ilang minuto ay tinawag ako sa harapan upang mag bigay ng mensahe sa lahat ng bisita..

Kinuha ko ang mic at nag salita sa kanilang harapan..

"Ang mga taong nag daan ay punong puno ng pag subok, ng sakit, ng galit na parang isang walang katapusang telenovela. Ni hindi ko nga alam kung ako ba ay bida o kontrabida. Pero kahit na kaliwa't kanan ang mga pasakit at pag subok ay marami pa ring natutunan. Ang buhay ng tao ay hindi permanente, nag iiba ito sa isang kisap mata. Magugulat ka nalang na ang lahat ay nag bago na pala at ang mga bagay na hawak mo sa iyong kamay ay nakawala na rin. Ang leksyon? Matuto tayong pahalagaan ang mga bagay na mayroon tayo lalo't hindi natin alam kung kailan babaligtad ang mundo.

Kung kailan ako huling ngumiti bilang si Blas, hindi ko na rin alam. Basta ang alam ko lang ay patuloy ang buhay at hindi rito nag tatapos ang lahat. Marami pang darating at hahamunin tayo kaya't dapat ay maging matatag at maging handa sa pag babago.

Anong hiling ko ngayong kaarawan ko? Ang sagot ay kapayapaan ng aking puso. Sana ay mawala galit at sakit na nararamdaman ko sa tuwing gumigising ako sa umaga. At ang pinaka magandang regalo para sa akin ay ang muli ko silang makitang mag kakasama." ang wika ko sabay lakad sa kinatatayuan ni Yuji, hinila ko siya patungo kay Kiro.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon