THF Part 17

9.1K 560 26
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 10, 2020

Part 17

"Good morning, teka ayos ka lang ba Blas?" tanong ni Bam sa akin habang papasok kami sa campus.

"Okay lang ako. Medyo masama lang ang pakiramdam ko, sa pagod siguro ito dahil ilang buwan na rin akong patakbo takbo." ang wika ko sabay kuha ng tubig at uminom ako ng gamot.

Ang totoo ay masama talaga ang timpla ng katawan ko, dahil halos araw akong binabasa, matutuyo ang aking damit, mag aamoy putik at saka tatakbo nanaman. Halos ilang buwan na akong ganito bagamat nakasanayan ko na rin na hinahabol at pinahihirapan pero nakalimutan ko na hindi naman pala ako member ng League Of Angels para hindi talaban ng sakit. Ngayon ay nasa estado ng pag kahilo at pang hihina pero walang patawad ang mga alagad ni Yuji at noong makita palang nila na papasok kami sa gate ay hinabol na kami agad.

"Bilisan natin Blas! Aabutan na nila tayo!" ang wika ni Bam sabay hawak sa aking braso.

Tumakbo ako ng mabilis ngunit nang hihina ang aking kalamnan..

At dahil masama ang aking pakiramdam ay nadapa ako at sumadsad ang aking katawan sa lupa dahilan para mag tawanan ang mga humahabol sa amin. Agad nila akong itinayo at binuhasan ng maduming tubig na galing sa sapa. "Huwag! Tama na!" ang sigaw ni Bam sabay salo sa kanilang mga timba pero di siya umubra at pati siya binuhusan rin.

Tawanan sila..

Ako naman ay naka tukod lang sa lupa, hilong hilo at umiikot ang paningin..

Maya maya ay hinila nila ako, sinipa at saka pinag papalo ng mga stick..

Napahiga kami sa lupa..

Maya maya ay ibinangon kami at ibuhusan ng basura dahilan para mas lalo kaming dumumi. Galak na galak sila sa pananakit sa amin. At habang nasa ganoong posisyon ay saktong lumabas ang F4 kasama si Biew Yamin at bumulaga kami sa kanilang harapan na madusing at basang basa, may basura pa sa aming ulo.

Napatingin sa akin si Kiro at dito naramdam na niya agad na mayroon akong iniindang sakit kaya lumapit sa siya sa amin at binawal ang mga may hawak na pang hampas.

"Kiro, anong ginagawa mo! Hayaan mo sila!" ang pag pigil ni Yuji sabay tingin sa akin. "Iyan ang bagay sa inyong dalawa! Nag kamali kayo ng babanggain!" ang wika nito sabay senyas sa kanyang mga tao na buhusan ulit kami pero humarang na si Kiro.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon