THF Part 43

8.7K 531 45
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 23, 2020

Part 43

"Oh tama na, lasing kana Yuji. Basang basa pa tayo. Tara na sa loob." ang pag yaya ko pero naka ngiti pa rin siya at naka titig sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong ko.

"Wala, masama bang titigan ang mundo ko? Masama bang titigan ang kaligayahan ko?" tanong niya.

"Ikaw nga Mr. Guarin tigilan mo ako. Lasing kana e. Ihahatid na kita sa kwarto mo."

"I love you." ang bulong niya pero naka ngiti pa rin. "Sige na, gusto malinaw ang sagot mo."

Tumingin ako sa kanya at piniga ang aking ilong. "I love you, too. Tayo na, kailangan mo na mag rest. Ganoon rin ako. Bukas ay maaari na akong umuwi sa amin." ang tugon ko at dito ay inalalayan ko siya. Pareho kaming basang basa kaya naman natawa nalang ang mga kasambahay habang sinusundan kami.

"Mukhang nalasing po ng todo si Master Yuji." ang wika ng isang kasambahay habang tinutulungan ako ipasok ito sa kanyang silid.

"Sabi ko naman sa kanya na huwag siyang mag lalasing pero matigas ang ulo." ang wika ko at inupo ko siya sa sofa saka inalisan ng sapatos, pantalon at long sleeves.Nilagyan ko siya bath robe. "Okay kana dito? Tatawagin ko lang si Gilbis para matulungan ka niya." ang wika ko, lasing rin kasi ako at nahihilo ng kaunti.

Aalis na ako noong hawakan niya ako sa aking braso. Tumingin siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Namumungay ang kanyang mata "Dito ka nalang. Please. Huwag kang umalis." ang wika niya.

"Pero.."

"Shhh, please. Nakikiusap ako, wag mo naman akong iwan." ang sagot niya sabay dukdok ng kanyang ulo sa aking balikat. "Sandali, basa rin ako. Relax ka lang dito. Mag lilinis lang ako ng katawan dahil basang basa na dito sa silid mo." ang pag papa alam ko, kumuha ako ng damit sa kanyang cabinet at tuwalya. Pumasok ako sa CR ng kanyang silid at dito ay napawow nalang ako dahil kasing laki ito ng sala namin, mas doble pa nga yata. Hindi na bath tub ang nandito kundi isang indoor jacuzzi na. Maganda rin ang disenyo ng paligid at whole body pa ang mga salamin. Ang shower ay mamahalin at ganoon rin ang mga sabon at gamit sa katawan. Kaya naman ganoon nalang ang reaksyon ni Yuji noong maligo sa aming banyo.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon