THF Part 19

8.8K 573 17
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 11, 2020

Part 19

"Oh bakit ganyan ang suot mo?" tanong ko kay Bam noong makita ko siya sa harap ng gate. May armor ang katawan, may hawak na shield at espada na parang isang kawal sa palasyo. "Hiniram ko ito kay papa. Para kung sakaling may umatake nanaman sa atin maipag tatanggol kita." ang wika nito habang pumapasok kami sa gate ay nag tatawanan ang mga estudyanteng nakaka kita sa kanya.

"Tingnan mo Blas, ang sasama ng ugali ng mga mag aaral dito. Pinag tatawanan ka nila." ang wika nito.

"Parang ikaw yata yung pinag tatawanan e." ang wika ko na tatawa rin pero hindi ko pinahalata sa kanya

Natapos ang aking limang araw na pahinga, pag pasok ko sa campus ay normal naman ang lahat, walang nang hahabol at nang gugulo sa amin ni Bam. Dati rati ay nasa gate palang ay naka abang ang mga participant ng red card ngayon ay payapa ang lahat.

Habang nasa ganoong pag lalakad kami ay huminto naman ang sasakyan ni Yuji sa aming harapan. Ibinaba niya ang bintana at saka natawa. "Hoy, butiki bakit naka ganyan ka? Mukha kang tanga." ang wika nito.

"Naka ganito ko dahil kailangan kong ipag tanggol si Blas laban sa mga kampon mo. Ako ang tatayong prince charming at knight in shining armor niya laban sa mga great villain na katulad mo Yuji Guarin." ang sagot ni Bam

"Maawa ka nga sa sarili mo. Hubarin mo na iyan bago ka pa mapagkamalang nababaliw. Wala akong balak na ipahabol kayo ngayon. Sa inyo na ang araw na ito." ang wika niya sabay taas ng salamin sa kanyang sasakyan at muling nag drive.

"Anong nakain niya?" tanong ni Bam

"Hindi ko alam, baka naumpog ang ulo niya kanina at naalog ito kaya naging matino." ang sagot ko at nasa ganoong pag tawa ako noong bigla kong maalala si Kiro. "Kamusta na kaya siya?"

"Sino?"

"Si Kiro." ang sagot ko.

"Usap usapan dito sa campus na hindi na raw nag uusap sina Kiro at Yuji. At dahil dito ay may posibilidad na raw na mabuwag ang F4. Madalang na rin silang nakikita mag kakasama, madalas ay mag isa si Kiro doon sa pahingahan at sa roof top." ang sagot ni Bam

Noong mga sandaling iyon ay ibayong lungkot at pag kaguilty ang lumukob sa aking pag katao, hindi ko alam na mag reresulta sa pagka sira ng F4 ang pag tulong sa akin ni Kiro. Si Yuji pa naman ang tipo ng lalaki na matigas ang ulo, mataas ang ihi at hindi nag bababa ng watawat sa kanyang kaaway. Ang ibig kong sabihin ay wala sa bokabularyo niya ang salitang "sorry" dahil pakiramdam niya ay siya ang parating tama. Si Kiro naman ay tahimik at madalang mag labas ng kanyang saloobin kaya mas gugustuhin niyang maging mapag isa nalang.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon