THF Part 81

6.7K 564 205
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 2, 2020

Part 81

REPORT: Pinag kaguluhan sa social media ang bagong member ng F4. Siya ay si Iverson Cuanzon na anak ng isang CEO sa Vietnam. Si Iverson ay kaibigan ni Yuji Guarin at kasama sa pag momodelo. Samantala ay ikinagalit naman ng mga supporters ni Kiro ang ginawang pag palit sa kanya ng tinaguriang newcomer sa grupo. Sinubukang kuhanan ng pahayag si Kiro tungkol dito ngunit mas nanatili nalang siyang tahimik.

Samantala, Yuji Guarin at ang kanyang asawang si Vann Durria ay bumisita sa mga bata ng slums of Tondo, Manila and the life there is poor and it's very sad. And I have always taught myself to look for the beauty in it; to look in the beauty in the faces of the children and to be grateful. Upang mamigay ng maagang pamasko para sa mga ito. (Teka April palang ah paano magiging maaga? Sinong writer nito?)" ang mataray na tanong ni Cherry Mae).

Maagang pamasko para sa mga batang walang wala. Marami namang humanga sa good deeds ng dalawa at nag bigay sila ng inspirasyon sa mga kapwa nila couple na gumawa rin ng mabuting bagay para sa kanilang kapwa.

At iyan po ang mga nag iinit na balita sa umagang ito. Ako po si Cherry Mae Lawit nag uulat. Iputok mo! Ohhh Yeaahhhh!

End of Report.

"Kung ganoon ay may bagong member na pala ang F4, kung sa bagay halos ilang taon na rin tayong wala sa siyudad at nanahimik na tayo ngayon. Masaya na rin si Mr Yuji sa kanyang buhay, pera pera lang naman talaga iyan, ang may pera ay para sa taong may pera rin. Mayaman para sa mayaman, mahirap ay para sa mahirap. Iyon talaga ang tunay na realidad ng buhay. Kung bakit kasi ang ambisyon pa akong maging mayaman tayo. Ngayon napag tanto ko okay na sa akin ang ganitong buhay, simple, tahimik at walang gusot." ang wika ni mama.

"Maswerte na rin tayo dahil nag karoon tayo ng isa pang pag kakataon para bumangon muli. Maayos naman ang buhay natin dito, hindi katulad doon sa siyudad na pinahirapan tayo ng husto." ang wika ko sabay patay sa TV.

Ilang taon na nga ba? Ilang buwan o ilang araw na ang nakalipas mag buhat noong umalis ako sa siyudad. Ang lahat ay natatandaan ko pa rin mula sa pag papaalis sa akin sa Empire University, sa pag papagiba sa aming bahay, sa kasal ni Yuji at sa pag alis ko sakay ng bus, kung saan nakatingin lang ako sa kanya ngunit ang aking utak ay blangko. Ang aking emosyon ay blangko rin. Wala na akong maibuga noong mga oras na iyon at ang lahat ay isinuko ko na rin.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon