THF Part 64

6.2K 427 60
                                    

Poster by Joza Mae Saut

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Poster by Joza Mae Saut

******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 29, 2020

Part 64

Nag tatakbo ako na may kirot sa aking dibdib, masakit pa ito sa sampal na tumama sa aking mukha dulot ng maling pag mamahal sa maling oras at maling pag kakataon.

Walang perpektong love story, ang lahat ay dumaraan sa pag subok iyan ang naka lagay sa mga aklat nababasa ko at pag katapos ay makakahanap ng paraan ng bidang tauhan para malagpasan ang naturang pag subok na iyon. Bakit ganoon? Bakit wala akong makitang liwanag sa kabilang dilim na bumabalot sa aking dibdib? Sana ay isa nalang akong tauhan sa kwento, sana ay naka sulat rin na mayroong magandang kahihinatnan ang sakit na nararamdaman ko!

Patuloy ako sa pag takbo hanggang sa mapagod ako at natagpuan ako ang aking sarili isang lumang parke sa siyudad na kung tawagin ay "Road to Love". Naupo ako sa ilalim ng isang matandang puno paharap sa magandang kabukiran at dito ay napatingin ako sa kawalan. Hinaplos ko ang makirot na sampal na tumama sa aking mukha at kasabay nito ang pag tulo ng luha sa aking mga mata.

Niyakap ko ang aking sariling tuhod, dumukdok ako dito at saka ako nag simulang umiyak. Tahimik lang, walang hikbi at tanging luha lang ang pumapatak sa aking mga mata.

Para sa isang pusong sugatan, wala kang ibang maaaring gawin kundi ang pakinggan at unawain ang pintig nito. Gumagana pa naman diba? Kahit paulit ulit na itong nasaktan at nasira. Ngayon ay mas lalo akong natakot, mas lalo kong naramdaman na walang kaliwanagan ang samahan namin ni Yuji. Naisip ko tuloy na kung maibabalik ko pa ang mga oras na iyon, yaong mga oras na nakilala ko siya, sana ay tumakbo ako palayo para hindi na ito nangyayari pa, pero kung ginagawa ko naman iyon ay hindi ako magiging masaya.

"Nandito ka lang, kanina pa kita hinahanap." ang boses ni Yuji sa aking likuran.

Pinunasan ko ang aking luha at ngumiti sa kanya. "Napagod ako sa pag takbo kaya naisipan kong mag pahinga muna dito sa parke."

Tumabi siya sa akin. "Sorry sa ginawa ni papa." ang wika niya.

"Ayos lang iyon. Ito ang kabayaran sa pagiging ambisyoso ko. Mahilig kasi akong mangarap na may patutunguhan tayong dalawa. Pero ang totoo noon ay nag hihintay nalang tayo ng takdang oras para sa ating pag hihiwalay."

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon