THF Part 103

7.1K 523 61
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 8, 2020

Part 103

Alas 11 ng gabi, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok kaya naman bumaba ako sa kusina para kumuha ng 6 na bote ng alak. Hindi siguro makakasama sa akin, paminsan minsan lang naman.

Pag balik ko sa kwarto ay tinungga ko ito tinungga hanggang sa maka ubos ng isang bote, sinundan ko pa ito ng isa pa hanggang sa maka lima na ako, dito ay umikot ang aking paningin at agad akong bumagsak sa sahig, hindi ko na nagawa isa ang pintuan sa balkunahe at hindi na rin ako naka akyat sa pa sa kama.

Hindi ko na alam ang nangyari, basta naalimputan nalang ako noong may pumasok sa akin silid at binuhat ang aking katawan sa kama.

Noong imulat ko ang aking mata ay nakita ko si Mr. Jeron na isa isang pinupulot ang bote ng alak. "Wasted ka na naman Hunter. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na bawal ka uminom? May mga bisita ka sa baba tiyak na makatutulong sila para maging maayos ang pakiramdam mo." ang wika niya.

"Ayokong makipag usap kahit kanino." ang sagot ko sabay dapa.

"Kahit sa akin? Ayaw mo makipag usap?" tanong ng isang pamilyar na boses sa aking pintuan. Noong lingunin ko ito ay nakita ko si Kiro nakatayo, naka ngiti at makikita sa kanyang mukha ang saya noong masilayan ako.

Tumingin ako sa kanya..

Pero agad ko rin itong binawi.

Huminga ako ng malalim at nag wika "Hindi na ako si Blas na kaibigan mo. Isa na akong kaaway ngayon." ang sagot ko

Napabuntong hininga si Kiro. "Nandoon sa baba si Bam, Biew at Darrio. Lahat kami ay nag aalala sa iyo. Alam mo ba na si Donya Armada mismo ang tumawag sa amin, sinabi niya na puntahan ka namin."

"Para saan pa?" tanong ko

"Para ibalik si Blas." sagot niya.

"Wala na siya. Tama ka, maaari pang makahanap ng bagong pag mamahal, pero hindi madaling makakahanap ng bagong sarili lalo't nawala ito, kinain ng galit at pag hihiganti."

"Kailan mo balak bumalik?" tanong niya.

"Wala, gaganti pa ako kay Yuji. Sisiguraduhin kong luluha siya ng dugo." sagot ko.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon