THF Part 86

6.3K 499 57
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

Part 86

"Yuhu, baby Hunter! Darling linggo ngayon. Halika ililibot kita sa Takato Castle Ruins Park one of the three best locations to see cherry blossoms in Japan! Lalakad tayo sa pink na lupa, nag kakalaglag ang mga sakura. Kakain ng noodles at mag papakasaya buong araw. Bangon kana dyan." ang excited na wika ni Miss Justine sabay hila sa akin sa kama.

"Hmmmm, ayoko miss Justine, masakit ang katawan ko, masakit ang ulo ko. Matutulog ako buong mag hapon." ang sagot ko habang naka subsob kama, tinakpan ko pa ng unan ang aking ulo.

"Master, gusto mo mag lakad sa labas?" magiliw na tanong ni Jeron.

"Ayoko, ang babait niyo ngayon, pero kapag training ang bubwiset niyo na." ang reklamo ko dahilan para matawa sila.

"Pero nakita mo naman, maganda ang report at feedback sayo. Ang changes ay unti unti nating nakakamit. Kapag nag tuloy tuloy tayo sa seryoso at dibdibang training tiyak na mag iimprove ka agad. Next week aaralin natin ang proper facial expressions, gestures, yung pag ngiti at pakikisama sa ibang tao. Ininvite ko na rin sina Mr. International 2018 Seung Hwan Lee ng South Korea. At Mr. World 2019 Brian Arturo Faugier of Mexico! Silang dalawa na ang bahalang mag turo sayo ng mga anik anik tungkol sa boys thinggy. At dumating na yung inorder kong pampatangkad iinumin mo ito every Monday, Wednesday at Friday." ang wika ni Miss Justine.

"Ako naman ay nag invite ng ilang area manager para maturuan si Blas ng kani kanila Expertise. Excited na nga ako." ang wika ni Mr. Jeron.

Hindi ako kumibo..

Kinuha ko ang kumot at sinukluban ko ang aking sarili mula ulo hanggang paa..

Tawanan sila..

Lumipas ang mga araw at linggo, hindi naging madali sa akin ang lahat. Parang sasabog ang ulo ko sa dami ng mga itinuturo sa akin. At pag tapat naman hapon ay bugbog katawan ko sa mga activity sa personality development. May pag kakataon na nakakatulog ako sa hallway ng gusali, o kaya ay kusina habang naka dukdok sa lamesa. Ang makita sina mama at papa sa videocall ay ang tanging bagay na nag papasaya sa akin. Sila ang nag papalakas ng loob ko na ipag patuloy ang lahat ng aking nasimulan.

Doble kayod ako, sa tuwing makikita ko sa social media ang pangalan ng mga Guarin ay kakaibang galit ang aking nararamdaman at ito ang tumutulak sa akin para tumuloy at pag butihan pa hanggang sa dumating sa punto na itulak ko ang aking sarili sa aking limitasyon at lagpasan pa ang kanya ng aking kakayahan.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon