THF Part 6

8.9K 534 37
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 2, 2020

"Ang maitim na sikreto ni Blas. Siya ay isang pakantot na alter sa twitter at gabi gabing nag papabook para maliit na halata. Lumabas na rin siya sa mga cheap na porn movies at napariwara ang sarili."

Pinunit ko ang papel at humarap sa kanila. "Sino ang gumawa nito?" pasigaw kong tanong pero wala ni isa sa kanila ang kumibo.

Dito ay pumasok sa aking isipan na iisang tao lang ang gagawa nito at iyon ay si...

"Yujjiiiiii!" ang sigaw ko at dito ay mabilis akong lumabas sa classroom at hinabol ang leader ng F4 na noon ay lumalakad pabalik kanilang marangyang gusali.

Part 6

"Yujiiii gago kaaaaa!" ang sigaw ko na parang isang bulalakaw na sumibat sa kanyang kinatatayuan.

Huminto ito at humarap sa akin..

Huminto rin ako sa kanyang harapan, hingal na hingal at napatukod ako sa aking tuhod. "Ano nanaman?" tanong niya.

"Gago ka! Hindi ka dapat nag kakalat ng paninirang puri sa kapwa mo! Napaka sama mo talaga! Wala kang kwenta! Duwag!" ang sigaw ko sabay balibag sa kanya ng papel na aking nilukot.

Binasa niya ito at natawa siya. "Totoo ba to? Porn star ka pala at nag papagamit kung kani kaninong lalaki. Tsk tsk! Bad, very bad!" ang pang aasar niya na parang nang iinsulto.

"Hindi totoo ang mga kinakalat mo! Nag kukunwari ka pa na wala kang alam! At para sabihin ko sa iyo Yuji Guarin ay VIRGIN pa ako! Kaya itigil mo na lahat ng paninira mo sakin! Sira ulo!" ang galit kong sigaw.

Natawa siya at maya maya ay tumalikod. "Wala akong alam sa mga paratang mo sa akin. Sige dyan kana Mister Vigin." pang aasar nito sabay pasok sa loob ng gusali.

Halos kalat na kalat sa buong campus ang mga papel na nakapaskil sa mga pader. Talagang ikinalat nila ang mga paninirang puri sa akin sa pinaka malalang paraan kaya naman lahat ng makita kong papel ay isa isang kong pinupunit sa pader.

Marami rin akong napunit at ang mga estudyante sa paligid ay nangigiwi at parang pinandidirihan ako kung makatingin. Ang kanilang mga mapanghusagang mata ay nakatitig sa aking mga kilos na para bang wala na akong karapatang huminga at mabuhay. "Kung sa bagay ay galing lang sa mahirap na pamilya iyang si Blas, siguro ay sa sobrang hirap ng kanyang buhay ay natuto na siyang mag benta ng laman." ang bulungan nila.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon