THF Part 75

5.5K 443 31
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 1, 2020

Part 75

REPORT: Samantala, kinompirma ng leader ng F4 na si Yuji Guarin ang ginawang pag tiwalag ni Kiro sa grupo. Ang balitang ito ay halos tatlong buwan nang kumalat sa social media pero ngayon lamang ito binigyan ng linaw ng kanilang leader. Personal daw ang dahilan ni Kiro at mas minabuti nito na lumayo nalang at manirahan sa New York kasama si Biew Yamin. Ikinulungkot ng fans ng F4 ang ginawang pag alis ni Kiro sa naturang grupo.

Sa iba pang showbiz news, Liza Mae Lawit nag diwang ng kaarawan sa Tondo, Manila, and the life there is very poor and very sad. I've always taught myself to look for the beauty in it, to look for the beauty in the faces of the children, and to be grateful. Hinanap ni Liza Mae ang silver lining sa pamamagitan ng pag sisindi ng kulay silver na fireworks at pag susuot ng silver na gown. I love you mom. Happy Birthday!

At iyan ang nag babagang balita sa oras na ito. Ako po si Cherry Mae Lawit ang reporteen princess ng ADS GCN iputok mo!!! Aahhhhhhh!"

End of Report.

"Wala namang ka kwenta kwenta yung report ni Cherry mae tungkol sa mudrax niya. Pero sad ako dahil nag bitiw na sa pagiging si Kiro. Sayang siya pa naman ang pinaka favorite ko." ang wika ni Frenny Je habang umiinom kami ng kape sa sala. Daig pa namin ang amo sa bahay dahil sa aming posisyon na nakataas pa ang paa.

Samantalang ako naman ay naka tahimik lang, nawala na ako sa sirkulasyon ng mundo kaya hindi ko na rin inalam ang mga nangyayari sa kanya. Bagamat sobrang nalungkot rin ako noong malaman kong kulang na ang F4. Kung sabay tiyak na masaya ang buhay ni Kiro doon dahil kasama niya si Biew sa New York.

"Ano ba bakit ayaw mag reply ni Babe?" tanong naman ni Dooday habang abala sa pag pindot ng cp.

"Frend, hindi na talaga mag rereply yan dahil iyang babe mong binibigyan mo ng allowance buwan buwan ay isang baklang poser. Wag mo na patulan iyan at kinalimutan ka na niya. Kahit ihain mo ang pechay mo sa kanya at yang flat mong dodo e di niya iyan papatusin." ang wika ni Je.

"Ang sama mo naman. Baka naman lowbat lang yung tao." wika ni Dooday.

"Dalawang linggo nang lowbat iyan at di nag paparamdam. Kung ako sa iyo itigil mo na." tugon ni Je

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon