THF Part 9

9.1K 602 86
                                    

Pea Sarit Trilertvichien as Blas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pea Sarit Trilertvichien as Blas

****

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 3, 2020

Part 9

Alas 6 ng hapon, ilang oras bago mag simula ang gala party. Naka tingin ako sa damit na ibinigay nila Evan. Alam kong may balak silang dalawa at nandoon pa ang F4 kaya naman alam kong hindi magiging maganda kung ako ay pupunta. Noong mga sandaling iyon ay muli kong sininop ang damit nag pasyang isauli nlang ito kina Lippi bukas. "Hindi ako pupunta. Iyon ay party ng mayayaman at tiyak na ikapapahamak ko lang iyon." ang wika ko sa aking sarili habang inaayos ang aking mga gamit.

Iyon ang desisyon na itinalaga ko sa aking sarili ngunit pag sapit ng alas 8 ng gabi ay tumawag si mama mula sa sala. "Blas! Nandito ang kaklase mo. Sinusundo ka nila." ang wika nito at noong sumilip ako sa aking silid ay nakita ko nga itong si Evan at Lippi na kausap si mama, mukhang sinugarado talaga nila na makakarating ako.

"Kayo pala ang mga kaibigan ng aking anak, halika maupo kayo at ipag titimpla ko kayo ng tsaa." ang wika ni mama na hindi maitago ang excitement.

Nangiwi si Evan pero naka ngiti pa rin ito. "Hindi na, salamat nalang.. po." ang wika nito hindi naupo at kamot ng kamot sa braso na parang naallergy sa kanyang mga nakikita at naamoy bagamat maayos at malinis naman ang aming bahay.

"Blas, anak nasaan ka ba? Ano ka ba naman bata ka bakit ayaw mong labasin ang mga kaibigan mo?!"

"Ma, masama ang pakiramdam ko, hindi ako makakasama." sagot ko.

"Alam kong umaarte ka lang Blas, nag effort ang mga kaibigan mo para sunduin ka. Binayaran pa nila ng 50 thousand ang ticket mo tapos ay ganyan ka? Paano kung singilin nila tayo? Saan tayo kukuha ng ganoon kalaking halaga?" ang tanong ni mama. Maya maya ay lumabas ito at sinabing "sandali lamang at gumagayak na siya."

At dahil nga sa pamimilit ni mama ay na corner ako at wala akong ibang pamimilian kundi ang sumama sa kanila. Inayos ko ang aking sarili at isinuot ang damit na kanilang ibinigay. "Wow, bagay na bagay pala sa iyo ang damit na binili namin. Mahal iyan at talagang mamahalin ang tela." ang kunwaring pag hanga ni Lippi. "Ano ba umalis na tayo dito, nangangati ako. Walang aircon, walang air freshener, walang air filter. Baka mag kasakit ako dito." ang nag aapurang bulong ni Evan na parang diring diri na. At naduwal na pa ito na parang hindi kaya ang kanyang naamoy bagamat wala naman talagang amoy sa paligid.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon