THF Part 27

9.1K 561 56
                                    

Cover by: Samantha Jabar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by: Samantha Jabar

***************

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 13, 2020

Part 27

"Mahal talaga ni Kiro si Biew noon pa man, hindi pa sikat si Biew noon. Ang kanilang mga magulang ay mag kaibigan at mag kasosyo sa negosyo. Iyon ang dahilan kaya naging close silang dalawa. Mayroon silang espesyal na pag sasama na silang dalawa lang ang nakakaunawa." ang wika ni Yuji.

"At doon nabuo ang espesyal na relasyon nila." ang dagdag ko.

"Maniniwala ka ba na si Kiro ang unang nawalan ng pag birhen sa amin? Si Kiro at Biew ay nag talik noon sila ay 14 na taong gulang palang. Nahuli rin silang nag hahalikan ng kanilang mga magulang at iyon ang dahilan kung bakit inilayo si Biew ng kanyang mga magulang at itinira siya sa ibang bansa. Kahit mag kalayo sila ay nag uusap pa rin sila sa social media. Pero ngayon, si Biew ipinag kakasundo ng kanyang ama sa isang mayamang tao. Paano ko ito nalaman ang lahat ng iyon? Dahil ang F4 ay walang sikreto sa isa't isa." tugon ni Yuji sabay inom ng alak.

"Mahal ni Kiro si Biew. At ramdam ko iyon." ang wika ko

"Edi hayaan mo silang mag mahalan. Anong paki alam natin sa kanila? Tayo nalang naman ang hindi nag mamahalan." bulong nito ngunit malabo sa aking pandinig.

"Ano?" tanong ko.

"Wala." sagot niya

"Teka, diba kaibigan mong matalik si Kiro? Bakit ayaw mo siyang tulungan para maging masaya siya?" tanong ko.

"Hindi ko saklaw yon. Matanda na siya at alam na niya ang kanyang gagawin."

"Pero sinubukan mo ba siyang tulungan? O kausapin man lang? O bigyan ng magandang payo?"

"Hindi rin, yung sarili ko nga di ko mabigyan ng magandang payo, paano pa ako mag papayo sa ibang tao? Ano ka ba? Nag iisip ka ba talaga?" tanong asar na tanong nito.

"Eh kung ganoon ay mag sorry ka nalang kay Kiro. Tutal naman kasalanan mo rin kung bakit kayo nag away. Minsan kasi hindi maganda yung mataas ang ihi mo." ang wika ko.

"Ano ka ba? Pag umiihi ako ay laging pababa.Ikaw ba pag umiihi ka pataas yung hawak mo sa titi mo?" tanong nito dahilan para mapa iling nalang ako. Up

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon