THF Part 89

7.1K 565 123
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 4, 2020

Part 89

"Good morning po Mr. Armada. Nag hihintay na po officer in charge sa function area." ang wika ng receptionist. Ngayon araw ay nag simula na akong ikutin ang mga hotels na pag aari ng Armada at isa na rin ang hotel to sa siyudad. Mainam na rin ito upang maging pamilyar ako sa mga operasyon sa maliit na negosyo. Lahat ay dapat ikutin kahit ang pinaka maliit na sulok. "No pictures please. Ayaw ni Mr. Armada na kinukuhanan siya ng larawan." ang suway ng aking mga bantay sa mga taong may hawak na cellphone camera para kuhanan ako ng stolen shots.

"Sorry po, ang gwapo kasi si Mr. Armada." ang wika ng isang pinoy na guest.

"No camera please." ang patuloy na pag bawal nito.

Pumasok kami ni Mr. Jeron sa function area at dito ay nakinig kami sa mga statistical report tungkol sa standing ng negosyo. Naging mabusisi ako sa lahat ng area kaya naman humanga sila na ang isang neophyte na katulad ko ay madaling naka unawa ng isang negosyo. Walang naka lusot sa akin pati ang katiwalaan ng ibang empleyado ay nasilip ko rin.

Tumagal ng apat na oras na meeting bago ako lumabas ng silid. "Good Job, you are ready." ang wika ni Jeron habang naka ngiti.

Kinamayan ako ng lahat at naka ngiti naman akong sinalubong nila. "Ikinagagalak naming dumalaw ka dito Mr. Armada." ang wika nila.

Habang nasa ganoong pag lalakad ako sa hallway siya namang pag baba ng isang pamilyar na lalaki sa hagdan ng ikalawang palapag. Iiwas sana ako pero tila natuwa ito noong makita ako at agad siya lumapit. "Wow, hindi ko ineexpect na makikita kita rito Mr. Armada." ang wika nito pero noong palapit siya sa akin ay hinarang siya ng mga body guard ko.

Itinaas niya ang kanya kamay. "Woaah! Easy, wala akong gagawing masama kay Hunter." ang wika niya at ayaw mag pahawak sa mga body guard.

"Stalker ka ba ni Mr. Armada? Ikaw yung nag papadala ng mga bulaklak sa kanya." tanong ni Mr. Jeron

"Stalker? Pwede pa suitor or a fan maybe." naka ngisi iyang wika sabay hawi sa kanyang gusot na buhok. Nakasuot lamang ito ng sleeveless na shirt at pajama.

"Nang gagago ka ba? Alam ba ng Cuanzon ang ginagawa mo sa apo ng Armada de Sobiel? Mag ffile kami ng harassment case laban sa iyo." ang wika ni Jeron.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon