THF Part 15

9.2K 532 14
                                    

Kiro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kiro

******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 6, 2020

"129, eto sa gawing dulo." ang wika niya sabay bukas sa kanyang locker. "Oh bakit may red slip dito?"

"Ha? Paano ka nag karoon niyan?" pag tataka ko sabay lapit dito. Kompirmadong redcard nga ito.

"Siguro ay paraan ito upang iwelcome ang mga transferee."

"Bam, dito ka lang sandali. May pupuntahan lang ako." ang nag aapura kong salita.

"Teka, sasama ko. Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Basta, huwag kang aalis dito. At huwag kang mag papaga gala sa labas maliwanag ba?" ang bilin ko sabay takbo para hanapin ang isang taong responsable sa pag bibigay ng red card kay Bam.

Part 15

Dahil sa galit ay nag dire-diretso ako gusali ng F4 kung saan nadatnan ko si Erjun na kumakain. "Mukhang mainit ang ulo mo." ang bati nito.

"Nasaan si Yuji?" tanong ko.

"Nandoon sa swimming pool sa itaas. Bakit ba?" tanong niya. Hindi ako sumagot, agad akong pumanik sa taas at dahil kilala naman ako ng mga tauhan ni Yuji ay hinayaan nalang nila akong pumasok sa loob ng paliguan.

Pag bukas ko pinto ay naabutan ko itong naka lubog sa tubig at sumisisid. Noong maka ahon ang kanyang ulo ay nagulat pa ito noong makita kong nakatayo sa kanya harapan. "Bakit ginawa mo iyon?" bungad ko

"Ano nanaman ang sinasabi mo?" tanong niya lumangoy ito papunta sa hagdan saka umahon. Inabutan siya ng tuwalya ng kanyang alalay. Kinuha niya ito saka pinunasan ang kanyang magandang katawan, naka suot lamang ng brief at ang kanyang ari ay halatang may kalakihan, naka bakat ang ulo nito, naka hulma sa tela dahil basa.

"Bawiin mo yung red card. Bakit pati si Bam ay binigyan mo nito?! Hindi ka naman niya inaano! Nababaliw ka na ba talaga?!" ang paninita ko.

"Dapat alam mo kung bakit! Dahil lumabag ka sa rules ng green card." sagot niya

"Rules? Walang ganon! Baliw!" ang sagot ko

" 40 minutos Blas. 40 minutos akong nanonood ng nakakasukang landian niyo sa ilalim ng puno Akasya. Akala niyo ba nakaka kilig kayo? Tumaas ang balahibo ko habang pinag mamasdan ko kayong dalawa."

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon