THF Part 14

9.2K 540 25
                                    

Acharanat Ariyaritwikol as Bam

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Acharanat Ariyaritwikol as Bam

******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 6, 2020

Part 14

Naalimputangan ako sa paulit ulit na pag r-ring ng aking cellphone. Kaya kahit nakapikit pa ay kinuha ko ito at sinagot. "Wala kang talagang kwenta! Patahimikin mo na ko! Ikaw ang may kasalanan kaya nag kaganito ang buhay ko!!" ang sigaw ko sa pag aakalang si Yuji nanaman ang nang gugulo sa akin.

"Blas, ano bang sinasabi mo? May kaaway ka ba? Ako to si Bam, classmate mo noong elementary. Naalala mo pa? Nakuha ko sa papa mo ang number mo." ang wika nito.

"Bam? Si Bam Nakpil yung uhuging bata na laging nanatae sa salawal noong grade 2 tayo?" ang tanong ko.

Natawa siya. "Ano ka ba, matagal na iyon. See you around? Nag transfer na pala ako Empire University balita ko ay doon ka rin nag aaral."

"Ha?! Bakit doon ka pa nag aral? Ah e ang ibig kong sabihin ay marami namang magagandang campus dito sa siyudad."

"Ang Empire University ang gusto ni papa at sumang ayon na rin ako noong malaman ko nandoon ka. Medyo malaki nga lang ang tuition fee pero kaya naman namin. Ang sabi ko ay papa ay gusto kita ulit makasama, ngayong mga binata na tayo ay mas magiging mabuting kaibigan ako sa iyo."

"Ikaw naman talaga ang pinaka mabuti kong kaklase at kaibigan noong elementary. Natatandaan ko pa kung paano mo ako pinag tanggol sa mga aso noong hinabol tayo sa bakuran ni Mang Isko." sagot ko dahilan para matawa siya.

"Oo naalala ko iyon! Pinaka masaya at pinaka nakakatawang ala-ala sa lahat dahil umakyat ako sa puno ng napakabilis." Wika niya habang tumatawa. Pero maya maya ay sumeryoso rin. "Excited na akong makita ka Blas."

"Ganoon rin ako." ang tugon ko habang naka ngiti at dito ay nag balik sa aking ala-ala lahat ng mga masasayang araw na kasama ko si Bam. Ang mga simpleng kapalpakan namin noong kami ay bata pa lamang.

Si Bam ay kababata ko, simula daycare hanggang sa makapag tapos ng elementarya ay kaklase ko na siya at matalik na kaibigan na rin. Lagi kaming nag tutulungan noon at syempre ay close rin ang aming mga magulang. Kapag may mga bago siyang gamit ay ipinahiram niya ang mga iyon sa akin. Madalas rin kaming naliligo sa ilog noong grade 3 at noong grade 4 sabay kaming tinuli at ang iyak niya ang pinaka malakas sa lahat. Walang record na aming pag aaway, parati kaming mag kasundo sa lahat ng bagay at kung minsan ay talagang napapag kamalan pa kaming kambal o mag kapatid.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon