THF Part 76

6.7K 487 72
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 1, 2020

Part 76

"Maligayang pag babalik po Donya Briguela. Kamusta po ang party?" ang bungad ko noong pag buksan ko ng pinto ang donya na nag ffeeling bata dahil halos umaga na itong umuwi.

Hindi siya kumibo, tinabig niya ang aking katawan at mabilis itong nag tungo sa kusina, doon sa lababo at saka dumuwal. "Arwkkk!!"

"Ayos lang po ba kayo Donya Briguela? Buntis po ba kayo?" ang tanong ko naman dahilan para mangiwi siya. "Sa tingin mo ba ay dinadatnan pa ko? Tange ka talaga Blas! Lasing lang ako kaya ako nasusuka!" bulyaw niya dahilan para magulat ako.

"Dapat di kayo umiinom. Hindi maganda sa taong may edad na ang nag papaka lasing, saka yung medical records ninyo nakalagay doon na bawal kayong mag puyat at mag bisyo. Hindi niyo naman po ikinaganda yang pag inom nyo ng sobra."

"Excuse me! Maganda ko! Noong kabataan ko ay marami akong naipanalong beauty contest at pinapartner pa ko kay Eddie Garcia at Fernando Poe Jr para maging leading lady nila! Itong ganda kong to na parang alak! Habang tumatagal ay mas lalong sumasarap!" ang masungit na sagot nito habang umaakyat sa hagdan kaya naman tinulungan ko siya sa pag panik. "Ang alak po kasi kapag tumagal ng tumagal ay nabuburo, naluluma at nagiging suka." ang sagot ko dahilan para kutusan niya ako. "Tumigil kana nga! Hindi ko kailangan ng opinyon mo Blas! Anong akala mo sa akin amoy suka?! Gusto mo itumba ulit kita katulad ng ginawa ko sa iyo kagabi? Akala mo di kita kaya?"

"Wala naman po akong sinasabing ganun, mag pahinga nalang po kayo para bumalik ang katinuan nyo bukas." ang wika ko naman habang inaalalayan ko itong humiga sa kama.

"Lumabas kana nga! Naka tingin ka pa sa legs ko!" ang wika nito.

"Donya yung legs niyo po ay kumulbot na maraming varicose veins. Tingnan niyo po." ang wika ko.

"Walang hiya ka talaga nilait mo pa ko! Lumabas kana nga."

"Iccheck ko lang po yung blood pressure niyo. Huwag kayong magulo, dahil baka maya maya ay naninigas na kayo dito ka high blood e hindi na kayo sikatan ng araw. Alas 4 palang oh." ang wika di naman tumutol ang matanda..

Tahimik.

"Low blood ka donya Briguela, kailangan mong mag pahinga bukas at kumain. Nag puyat pa po kasi kayo." ang paalala ko.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon