THF Part 39

7.9K 524 87
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 21, 2020

Hinablot niya ito sa aking kamay. Kinuha niya ang pera sobre. "Binaboy mo ang sarili mo sa kaunting barya?" tanong niya. Sa kanyang galit ay pinunit niya ang pera at itinapon sa mini pond.

"Bakit mo tinapon? Pang matrikula ko iyon!" ang sigaw ko sabay lusong sa tubig at kinuha ko ang sobre pero di na rin mapakikinabangan dahil punit na ang pera dito.

Napaluha nalang ako at napaiyak sa matinding sama ng loob habang nakalusong sa maduming pond.

Part 39

Matapos ang naganap na away sa pagitan namin ni Yuji ay pinatawag naman ako kinabukasan sa council's office para mag report ukol sa reklamo nina Evan at Lippi sa pag labas ko bilang cover ng isang gay magazine. May pasa pa rin ang aking labi at hindi ko pa rin malimutan yung ginawa niya kahapon kung saan binalot siya ng pag nanasa na parang hindi na tao ang kanyang kilos.

"Dapat patalsikin si Blas dito. Iterminate ang kanyang scholarship dahil sa matinding violation na ginawa niya." ang maarteng salita ni Lippi.

"Meowth that's right! According sa article 1867 ng golden rule ng campus ay bawal mag post ang isang student sa malaswang magasin dahil nakakawala ito ng dignidad, moralidad, sensiridad at abilidad sa mga estudyanteng katulad namin." pag suporta ni Evan.

"Ikaw Blas mayroon ka bang sasabihin?" tanong ng guidance.

"Wala po." sagot ko.

"See, waley siyang maspluk dahil guilty ang lolo mez! Nakaka imbyernadette sembrano ang facesung ni Blas na parang kinawawang anghel na walang langit ever!" ang sagot ni Lippi.

Nailing ang guidance. "Let me clear Mr. Evan. There's no such thing as article 1867, hindi ko alam kung saan mo ito nakuha pero walang ganoong batas. According sa students handbook ay isang malaking violation sa isang student kung mag popost sa isang magasin, newspaper at article na may content na malaswa, krimen, bullying at paninirang moral."

"Ano ka ba mamash, inimbento ko lang yung article achuchu na yon. Pero nag pose si Blas sa isang maslawa na babasahin. Meaning ay nabreak niya ang rule at dapat siyang ieevict na dito sa campus. Tingnan ko lang kung matuwa sa kanya si Big Brothe. At MISS ako hindi mister no." sagot ni Evan.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon