THF Part 62

6.4K 434 29
                                    

Cover by Junoel LyCaster

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Junoel LyCaster

**********

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 28, 2020

Part 62

"Huwaw! Alam mo ang weird na makitang mag kasama ang legal wife at ang the mistress. Anong nakain ninyong dalawa?" ang wika ni Lippi noong makita kaming nag lalakad sa hallway matapos kumain sa canteen.

"Kaibigan ko si Blas. Sino ba kayo?" tanong niya.

"Kaibigan? Wow ha, its fantastic you're so plastic! Ikaw si Vann Durria, ang mapapangasawa ni Yuji right? Bakit kayo mag kasama? Mag karibal kayo diba?" tanong ni Evan.

"Alam mo kung ako sa iyo Blas, makipag kaisa ka nalang sa amin para tumaba ang prince charming na iyan. Actually hindi rin namin siya masyadong feel dahil inagaw niya si Yuji sa amin! Effortless ang kamandag ni bakla ha!" ang galit na wika ni wika ni Lippi.

"Oo nga, parang pinarafle lang si Yuji at siya naka kuha ng lucky ticket kaya nag wagi ito. Hindi kami papayag! Ano blas? Join forces ka na ba sa amin?" tanong ni Evan.

"Pero mabait naman sa akin si Vann." ang sagot ko.

"So nag decide kana, kalaban ka namin Blas. Bobo ka talaga!" ang wika ni Evan.

"Blas, sila ba ang umaaway sayo?" ang tanong ni Vann.

"Kami nga! And so?" tanong ni Lippi ng bigla siyang sipain sa mukha ni Vann, style karate ang moves nito at nag flying kick. Sumadsad si Lippi sa lupa at nag pagulong gulong ito. Lumundag rin siya kay Evan at saka hinawakan ang leeg nito at kapwa sila natumba sa sahig na animo wrestler.

Bulagta ang dalawa at nawalan ng malay..

"Kick boxing, wrestling at karate ang sports ko. Hindi niyo ako matatalo. At huwag niyo na ring pag tangkaang saktan si Blas dahil lagot kayo sa akin." ang wika ni Vann sabay hawak sa aking braso at saka kami nag tatakbo palayo sa kanila.

Tawanan..

Habang nasa ganoong pag takbo kami ay napapad kami sa gusali ng F4 at dito ay lumabas si Yuji. Hinila niya ang aking kamay at inilayo kay Vann. "Layuan mo nga si Blas. Ano bang binabalak mo?" tanong nito.

"Wala, mag kaibigan kami ni Blas." ang sagot niya.

"Pag na laman kong may binabalak kang masama kay Blas ay mananagot ka sa akin. Kayong dalawa ni papa." pag babanta ni Yuji sabay harap sa akin. "At ikaw naman, huwag kang tatanga tanga. Baka maya maya ay may negatibong iniisip ang unggoy na iyan." ang dagdag ni Yuji.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon