THF Part 58

6.7K 418 20
                                    

Cover by Mark Oliver Farinas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by Mark Oliver Farinas

******

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 27, 2020

Part 58

"Bakit ba ang sungit mo ha? Hinarana na nga kita, niromansa pa kita kanina, tapos wala ka naman sa mood?" tanong ni Yuji.

"Akala mo ba laro laro lang lahat? Alam mo ba kung gaano karaming tao yung pineperwisyo mo para dyan sa kalokohan mong black card at red card na iyan?"

"Gusto nila yun, nag hahanap sila ng adventure at yung iba ay gipit kaya binabayaran ko sila para mag participate. Hindi sapalitan iyon at hindi ako namimilit na gawin nila ang gusto ko." pag yayabang nito.

"Basta itigil mo nalang yung pananakit mo." ang sagot ko sabay tulak sa kanya palayo sa akin.

"Bakit ba? Masama bang yumakap? Huwag kana nga magalit, ilang beses na akong nag sorry ah? Patawarin mo na ko, huwag mo isipin yung sasabihin nilang marupok ka, basta masaya tayong dalawa iyon ang mahalaga." ang wika niya at muli akong niyakap.

Hinalikan niya ako sa labi at hinayaan ko lang siya..

Tahimik..

"Seryoso ka ba? Sa sinabi mo kanina na ipapakilala mo ako sa mga magulang mo?" tanong ko.

"Oo naman, para fair diba? Kilala ko ng mga parents mo, dapat ay ipakilala rin kita sa parents ko para isang malaking pamilya tayo." ang sagot niya habang naka yakap sa akin

"Sa palagay mo ba ay tatanggapin nila ang isang katulad ko?" tanong ko

"Oo naman, mayroon pa tayong isang linggo para mabuntis kita. Umpisahan natin ngayon." ang pilyong wika nito sabay sunggap sa akin ng halik.

"Bakit mo ako hinahalikan? Di pa naman tayo okay. Naaasar pa rin ako sa iyo." ang pag iwas ko sa kanya.

Dalawang araw ang nakalipas mag buhat noong mga kaayos kami ni Yuji. Naging abala na siya sa kanyang mga training sa kompanya lalo't darating na ang kanyang mga magulang at iaassess nito ang kanyang mga natutunan sa mga pag sasanay. Kung minsan ay mahirap ring maging si Yuji dahil malaking responsibilidad ang naka atang sa kanyang balikat bilang isang taga pag mana ng kapangyarihan ng mga Guarin. Sa kabilang banda ay tiyak na magiging malaking selebrasyon ang kanyang kaarawan. Siguradong dadaluhan ito mga matataas ng tao na may iba't ibang ugali. "At yung nanay ni Yuji ay mukhang mataray katulad noong nakita ko sa picture sa kanilang tahanan. Basta napaka elegante niya at sopistikado ang dating." ang wika mo kay Darrio habang nag aayos kami ng mga tinda.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon