THF Part 82

6.1K 459 64
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 3

AiTenshi

April 3, 2020

Ngumiti ang kanyang mga anak. "Matalino si Blas, mabait at mapag kakatiwalaan, sa ginawa niya kagabi, parang kapatid ko na rin sya kung ituring." ang sagot ni Lineth.

"Good idea na gawin mong apprentice si Blas, para makapag relax ka na at makapag bakasyon sa amin." ang sagot ni Cris.

"Blas." ang pag tawag ni Donya Briguela.

"Bakit po?" tanong ko.

"Isang taon muna ngayon ay babalik ka dito at mag sisimula ang bago mong buhay bilang aking kanang kamay." ang sagot ng matanda habang naka tingin sa akin ng tuwid.

Part 82

"Ang bilis ng araw diba Blas? Tingnan mo nga, natatandaan ko pa noong nag transfer ka dito sa campus. Ngayon ilang buwan nalang at iiwan mo na kami. Nakakaiyak." ang wika ni Sir Gilbert.

"Ngayon pa ba nalungkot sir? Syempre kahit naka graduate na ako ay dadalawin pa rin kita dito." ang wika ko.

"Sabi mo iyan ha. O pirmahan mo to. Napaka swerte mong nilalang Blas. Tingnan mo, ang daming mga requirements ng course mo tulad ng affiliation sa other provinces, boarding house, food and allowance, medical tools and equipments, books, uniform at pati review center ay naicover ng scholarship mo 100%, wala kang binayaran. At to think ha, napaka mahal ng matrikula ng nursing tapos dito pa sa Superior University. Grumaduate ka na nga, niluluge mo itong campus sa talino mo." ang biro niya.

Natawa ako at kinuha ko ang katakot takot na papel para pirmahan. Habang ginagawa ko ito ay nararamdam ko nang malapit nang matapos ang lahat. Sa wakas ay may pang hahawakan akong degree, taas noo na akong lalakad dahil nakatapos ang pag aaral.

Tila ngumiti sa akin ang langit noong mga sandaling iyon. Ang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang ay takot akong mag simula ulit, pero ngayon ay patapos na ako. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinag mamasdan ang ganda ng paaralang kumupkop sa akin. Ngayon ko lang napag tanto na hamak ganda nito sa Empire University. Pero katulad nga ng sinabi Bam sa akin, wala naman ito sa paaralang pinag mulan, sa huli ay nasa tao ito, kung paano niya didiskartehan ang kanyang sarili.

(Ipinakita sa scene na ito na nakatayo si Blas sa 3rd floor ng gusali ng campus habang pinag mamasdan niya ang ganda nito. Ngumiti siya at huminga ng malalim saka niyakap ang mga libro na idodonate niya sa library.)

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon