THF Part 67

5.7K 415 37
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 30, 2020

"Blas."

"Darrio. Bakit? Anong nangyari?" tanong ko.

"Blas, ang shop kung saan tayo nag ttrabaho sinunog kanina lamang, pinag uutos daw ito ng may ari ng lupa na si Ginoong Guarin. Nawasak ng lahat dito at ngayon ay wala na tayong trabaho! Paano na ako makakaipon sa kolehiyo." ang pag iyak nito sabay yakap sa akin.

Nabigla ako sa pang yayari, niyakap ko si Darrio pero tahimik ako, tila nanuyo ang aking lalamunan. Nanghina ang aking tuhod napaupo nalang ako sa harap ang aming tarangkahan at napaiyak nalang dahil sa matinding sakit at takot na hindi ko maipaliwanag sa aking sarili.

Part 67

"Blas, okay ka lang ba?" tanong Yuji noong makita akong nag lalakad sa tarangkahan ng campus. Sinalubong niya ako at hinawakan ang aking braso. "Nasabi sa akin nila Erjun ang nangyari. Dumating si papa ngayon sa gusali ng F4, pinaka magandang pag kakataon ito para kausapin siya." ang dagdag pa niya.

"Inalisan niya ng trabaho si papa noong nakaraang linggo at ayaw na siyang tanggapin ng mga pabrika. Tapos noong nakaraang araw ay ipinasunog niya ang cakeshop kung saan ako ng tatrabaho. Mas matindi pa sa halimaw ang iyong ama." ang sagot ko.

Hawak ni Yuji ang aking kamay, dito ay nag aabang sa amin si Kiro, Erjun at Gavin. Nakahanda silang makipag usap sa papa Yuji para bawiin ang blue card sa amin.

Tinapik nila ang aking balikat. "Huwag kang mag alala Blas, maaayos ang rin ang lahat." ang wika ni Gavin habang umaakyat kaming 3rd floor kung saan ito naroroon.

Pag tapat sa pinto ay unang kumatok si Yuji. Pumasok ito at dito ay tumaloy na rin ang tatlo sa kanyang likuran. Ako ang pinaka huling pumasok, naabutan namin ang kanyang ama na nakaupo sa harap ng bintana at pinag mamasdan ang lawak ng buong paaralan. "Pa, bawiin mo ang blue card na ibinigay mo sa pamilya ni Blas." ang wika n Yuji.

Pinatay ni Mr. Guarin ang kanyang sigarilyo at saka humarap sa amin. "Sinama mo pa ang mga kaibigan mo dito, sa tingin mo ba ay mag gagawa sila?" tanong nito.

"Hindi tito, alam namin na wala kaming magagawa, gusto lang naming suportahan si Yuji sa kanyang gagawing hakbang para kay Blas. Isang ordinaryong tao lamang ang pamilya ni Blas, hindi po yata tama na bigyan sila ng ganoong uri ng parusa." ang wika ni Kiro.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon