THF Part 22

8.9K 566 44
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 11, 2020

Part 22

"Iyan ang dapat sayo Blas, alter na alter ka talaga. Sanay na sanay kang gumawa ng kababalaghan sa CR. How cheap!" ang maarteng wika ni Lippi habang naka sunod sa akin hallway na parang isang lamok na bulong ng bulong.

"Sana nga ma kick out kana dito sa campus para mabawasan na ang feelingerong social climber." ang wika Evan kaya naman noong tumapat ako sa basurahan ay hinawakan ko ito saka inamba sa kanila dahilan para kapwa sila mapatili at mag tatakbo palayo sa akin.

Kahapon lang naganap ang malalang away sa pagitan naming tatlo ni Yuji. Halos hindi ko pa rin nakakalimutan ang mala demonyong mukha ni Yuji na parang papatay sa galit. Ang kanyang kamao ay nag dulot ng malaking pasa sa aking bibig at pumutok rin ang likod ng aking ulo kaya tinahi pa ito at nilagyan ng bundahe.

Hindi ko maunawaan, ngunit kung ganito ng ganito ay mas mabuti pang tuluyan na akong lumayo kay Yuji at sa F4 para sa ikatatahimik ng aking buhay. Ginawa ko naman ang lahat ng paraan para mamuhay ng normal, sinunod ko ang libro ng griyego kung paano mabubuhay ng positibo pero sa huli ay bale wala pa rin ito dahil si Yuji ay isang kampon ng kadiliman. Para siyang isang leader ng kulto na sumasamba sa masamang elemento.

Tahimik akong nag lakad sa hallway patungo sa hagdan na mag dadala sa aking sa 3rd floor kung saan pinatawag kaming tatlo para sa guidance and counseling ukol na naging away namin kahapon. Haharap din kami sa mga dean at head ng bawat department nag hain si Yuji ng statement na ikick out kami ni Kiro sa campus. Nirequest rin niya na iterminate ang aking scholarship dahil sa ginawa kong sexual act sa loob ng cr.

Pag dating ko sa 3rd floor ay naabutan ko si Yuji at Kiro na nakaupo, mag kahiway at parehong seryoso.

Tiningnan ako ng masama ni Yuji at siya ang unang pumasok sa silid kung saan magaganap ang aming pag haharap.

"Sorry sa nangyari." ang wika ko sabay tabi kay Kiro.

"Wala iyon, huwag kang mag alala dahil mananaig ang tama. Basta sumunod ka lang at sumakay sa akin." ang wika niya habang naka ngiti sabay hawak sa aking kamay at hinila niya ako papasok sa loob ng silid. Hindi ko alam kung anong balak niya noong mga sandaling iyon pero mainam na sakyan ko nalang ito dahil may tiwala ako kay Kiro. Alam kong hindi niya ako ipapahamak.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon