THF Part 54

6.3K 468 35
                                    

Cover by JH Acejo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Cover by JH Acejo

*****

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Ikakasaya mo ba ang pag nanakaw mo? Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Gayon pa man, ang mga detalye na nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

Season 2

AiTenshi

March 25, 2020

"Umasa ka ba talaga na magiging frennyahh ka namin? Impossible! Not even in my wildest dreams. Ngayon Blas, mag babayad ka sa ginawa mo sa amin! Hindi mo deserve si Yuji dahil mahirap ka lang at hindi ka naman kagandahan! Ngayong wasak na ang relasyon niyo ay wala nang silver lining para sa iyo. Tatagupakin kana namin ngayon!" ang galit na salita ni Lippi sabay labas ng kulay itim na latigong ginagamit sa mga porn. At mayroon rin siyang malaking injection na nag lalaman ng "Tamod ng katarungan! Tama ka! And this time mas marami ito galing sa mga workers namin sa factory! Humanda ka ngayon Blas!"

Tahimik..

Pakiramdaman lang..

Maya maya ay huminga ng malalim si Lippi at sumigaw!

"LAUNCHED ATTACK!!!"

Part 54

Sabay sabay silang nag tatakbo patungo sa akin. At dahil walang tatakbuhan ay umakyat ako ng mabilis sa puno ng Akasya sa aking tabi kung saan nila tinali ang timba ng maduming tubig na bumuhos sa aking kanina. Dahil sa kaba agad akong nakarating sa itaas ng puno at dito ay kumapit ako sa sanga nito upang hindi ako malaglag.

"Tama iyan Blas, dyan ka bagay sa puno dahil mukha kang unggoy! Batuhin siya!!" ang sigaw ni Evan at lahat sila ay kumuha ng bato at pinaulanan ako.

Nag kubli ako sa malaking sanga para di ako matamaan. Pero sa dami ng bumabato sa akin ay nasapol ako sa mukha, sa braso at pati sa ulo. "Lagot ka sa amin Blas! Hindi ka makakababa dito." ang sigaw ni Lippi sabay hataw ng malaking bato buong lakas niya itong ibinato sa akin pero tumama ito sa katawan ng puno saka bumalandra sa kanya. Tumama ito sa kanyang mukha dahilan para matumba ito sa lupa..

Bumangon agad ito.

"Walangya ka Blas! Anong meron sayo? Bakit pati puno ng Akasya ay kinakampihan ka?!! Humanda ka sa akin gigil na gigil na ko sa iyoo!" sigaw ni Lippi sabay yakap sa puno at saka ito umakyat. "Nandyan na ako Blas! Pag naabutan kita diyan ay mag lalaban tayo sa taas ng puno! Lintik lang ang walang ganti!!"

"Tulungan natin si Miss Lippi! Batuhin natin si Blas!!" ang sigaw ng batang beki sa likod.

"Batuhin!" ang pag suporta ng iba sabay kuha ng bato at pinakawalan nila ito. "Waaaagggg!! Matatamaan si Lippi! Noooo!!" ang malanding sigaw ni Evan pero huli na lahat dahil ang bato ay tumama sa likod ni Lippi na noon ay naka kapit sa katawan ng Akasya.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon