THF Part 4

9.9K 591 74
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

Plagiarism is a cybercrime. Sige gumawa ka ng krimen kung ikakasaya mo ang pag nanakaw mo. Hindi lang sila ang niloloko mo kundi pati na rin ang sarili mo. Nais ko ring ipabatid sa mga mambabasa na ang mga detalyeng nakapaloob sa aking kwento ay kathang isip lamang. Ang anumang pag kakahawig ng pangalan, tauhan at kaganapan ay hindi sinasadya ng manunulat. Ito ay BXB na maaaring hindi naaayon sa panlasa ng iba. Kung hindi mo gusto ang ganitong tema ay maaari kang lumisan sa aking pahina. Maraming salamat po.

The Handsome Flower

AiTenshi

March 1, 2020

Part 4

Bitikma ako ng pang bubully noong ako ay high school. Halos araw araw akong pinag tatampulan ng tuwa ng aking mga kaklaseng lalaki na mas malalaki at mas malaka sa akin. Araw araw nilang kinukuha ang aking baong pera, pinag gagawa sa akin ang kanilang mga assignment at madalas rin akong pag tripan basta kanilang naisin.

Umuuwi ako sa bahay ng puro pasa o kaya basa ng tubig ang katawan dahil parati akong nilulob ng aking mga kaklase sa sapa malapit sa aming paaralan. Pero hindi ko pinaalam kay mama ang mga bagay na iyon.

Sumagi sa aking isipan na huwag nang pumasok at tumakbo nalang palayo para makaiwas sa pananakit at pam bubully nila. Pero ayoko namang biguin si mama at isa pa ay tiyak malulungkot siya dahil unang taon ko palang sa high school ay sumuko na agad ako. Kaya naman wala akong choice kundi ang ituloy ang pag pasok.

Araw araw akong sinasaktan at pina ttripan sa loob at labas ng classroom. Hanggang sa nag tagal ay hinubog ako ng purong sakit. Pinatatag ako at pinatibay ng mga suntok nila. Pinatapang ako ng masakit na pananalita at pangungutya. At dumating ang araw na lumaban ako. Iyon ang natalang pinaka malaking gusot sa high school dahil sa pag laban ko ay nabuking ang kanilang pang aapi sa akin at pati na rin sa ibang mag aaral.

Natutunan kong lumaban at huwag mag pa api, mag buhat noon ay hindi na ako na bully ng aking mga kklase at matiwasay akong naka graduate ng high school. Iyon nga lang ilang taon din ako nag stop nga pag aaral bago makapasok ulit sa kolehiyo at heto ako ngayon sa panibagong pag subok na aking kinakaharap.

"Pwe!!!" ang sigaw ko noong nag buhos ng maduming tubig sa cubicle kung saan ako nakatago. Halos hindi pa rin ako tinatantanan ng mga estudyante nag participate para turuan ako ng leksyon.

Maya maya ay sinira nila ang pinto ng aking pinag tataguan at dito ay hinablot nila ang aking katawan. Pero noong mga sandaling iyon ay buo pa rin sa aking looba ang lumaban. "Nakakadiri ka naman Blas! Talagang dito ka pa nag tago sa loob cr para makaiwas aming kemerut?! Hindi pa tapos ang laban!! Pag babayaran mo ang ginawa mo kay Evan. Alam mo ba na nasa ospital siya ngayon dahil sa germs na kumapit sa kanyang katawan! Hindi niya kinaya ang dipresyon at muntik na siyang mag pakamatay sa kahihiyan! How dare you!!" ang sigaw ni Lippi.

"Eh bakit ba kasi kailangan mag participate pa kayong dalawa? Pareho naman kayong may toyo at may titiling sa utak ng kaibigan mo!" ang sigaw ko.

"How dare you para sabihin mo iyan! Humanda sa akin ngayon! Ako ang huhuli saiyo at iaalay kita kay Xeno Alpha! Walang personalan Blas! Trabaho lang ito! Arrrrgghhhhh!" ang sigaw ni Lippi sabay lundag sa akin pero umiwas ako kaya't nag diretso ang kanyang katawan sa loob.

The Handsome Flower BXB 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon